MANILA---Lahat nakatutok kina International Master Angelo Abundo Young at National Master Zulfikar Aliakbar Sali na mangunguna sa kani-kanilang koponan sa pagtulak ng NM Zulfikar Aliakbar Sali 2022 Inter-Cities & Municipalities Chess Team Championship na tutulak ngayon Sabado sa SM City Mindpro sa Zamboanga City.
"I’m still confident of our chances,” sabi ni IM Young na 8-time Illinois USA Champion na lilipat na sa bago niyang tirahan sa Cabuyao City.
Ang Cabuyao City chess team na suportado ni Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic at St. Peregrine Dental Clinic ay pambato din sina Rey Aba-a at Julius Ablin.
Makakasama naman ni NM Sali sa Zamboanga City chess team ay sina Robick Vohn Villa at King Arado.
“I’m hoping for the best but the field is really tough because all participants have a chance to win it also,” paliwanag ni NM Sali, PCAP Director at Team owner ng Zamboanga Sultans.
Ang Magay Chess Team ay rerendahan naman nina Abdel Hassan, Abdulkalip Daggung at Abdulbaki Majid, at ang Batangas City Chess Team naman ay seselyuhan naman nina Jiggy Miguel Vicente, Manolo Puertellano at John Ajero na makikipagtagisan ng talino para sa top honors sa torneong ito na suportado ni NM Zulfikar Sali na PCAP Director at Team owner ng Zamboanga Sultans at ni Dr. Vangie Espiritu-Sali ng Sahaya Dermatology Clinic sa Zamboanga City sa partnership ng SM Mindpro ZC, GrenEnergy Power, Ms. Ruby Chua, Mind Movers.Ph Chess Club, at Sir Christian Arrieta ng Malasakit at Bayanihan Party list.
Ang Lapu-Lapu City Chess Team naman ay ipinagmamalaki sina Bryle Arellano, Jimmy Ty Jr. at Rosendo Yamyamin habang ipaparada naman ng Toledo City Chess Team ay sina Rommel Ganzon, Bonn Rainaud Tibod at Jerome Cabantan.
Bida naman sa Zamboanga Sibugay Chess Team ay sina Alji Cantonjos, Rodney Opada at MichaeL Pinar.
Ang iba pang fancied teams sa event ay Panabo City chess team ni National Master Christian Gian Karlo Arca, Manila chess team ni Ryan Dungca at Ligon-San Jose City chess team ni Sherwin Tiu.
Ipapatupad ang eleven round Swiss system format na may 15 minutes plus 10 seconds increment.
Nakalaan sa team champion ang P50,000 . Habang ang second placer ay tatangap ng P30,000, third ay P20,000, fourth ay P15,000 at fifth ay P10,000. Ang sixth hanggang 10th placers ay magbubulsa ng tig P9,000, P8,000, P7,000, P6,000 at P5,000, ayon sa pagkakasunod.
Ang tournament registration fee ay P2,000. Mag call o text 0927-043-4424 para sa dagdag detalye