Malinaw na hindi pa handa si Jayson Tatum at Boston Celtics na masilayan na ang mundo sa labas sa muling pagsisimula ng NBA bubble.
At ang malaking bugso sa second half ang nagpalawig sa kanilang pananatili sa Walt Disney World.
Tumikada si Tatum ng 31 points at 10 rebounds, si Jaylen Brown ay may dagdag na 28 points at maligtasan ng Celtics ang madispatsa, nang hiritan ang Miami Heat 121-108 sa Game 5 ng Eastern Conference finals, Biyernes ng gabi.
Angat sa serye ang Heat 3-2, na may Game 6 sa Linggo.
Si Daniel Theis ay may 15 points at 13 rebounds para sa Celtics, na naungusan ng 12 sa kaagahan pero nagawang makontrol sa ibayong ratsada sa ikatlong kanto. Umiskor si Kemba Walker ny 15 points, dagdag si Marcus Smart ng 12 at may 10 si Gordon Hayward para sa Celtics.
Tumipak si Goran Dragic ng 23 points bago namaalam, may 4:27 ang nalalabi para sa Miami, na nakahugot ng 20 buhat kay Duncan Robinson. Kumatas si Jimmy Butler ng 17, Tyler Herro at Jae Crowder ay may tig -14 at Bam Adebayo ay 13 para sa Heat — na walang napala sa 3-point range.
Ang Miami na may 7 for 36 mula sa arko, ngayon ay may shooting na 24.8% sa 3’s sa kanilang huling 13 quarters — matapos may shooting 38.3% sa playoffs bago ang taggutom.
Inareglo ni Brown ang back-to-back 3’s sa fourth quarter para isampa sa eight-point lead tungo sa 103-89 margin, may 8:05 pa.
Tinapunan pa niya ng halik sa hangin ang Heat makaraang maibiyahe ang ikalawang tres, na tila nagpaalala ng ilang bagay na nagawa ni Herro noong isalansan ang kanyang 37-point sa Game 4.
Ang unang mga minuto ay hindi naisakatuparan batay sa plano ng Boston, na sumalto ang 11 sa kanilang unang 12 shots, dumanas ng apat na turnovers sa nakadidismayang pasada at masapawan ng maagang 17-5 pagkabaon.
Pero pinisak nila ang lahat kahit matapos ang 40% shooting lang sa first half, naghahabol ang Boston, 58-51 sa break — hindi nakaungos pero hindi sinukuan ang Miami na makalayo.
Umiskor ang Heat ng unang basket sa third quarter. Ang sumunod na ilang minuto ay napunta na sa Celtics.
Kinastigo nila ang 13-0 run sa loob lang ng 3:06 para igiit ang nine-point deficit tungo sa 64-60 lead, at kagyat na nagbago ang kilatis ng laro. Isang hiwalay na 7-0 pasabog ang sumunod, komonekta si Walker ng 3-pointer may 4:26 pa para sa 77-67 edge -- ang unang double-digit ungos ng Boston, at sa sumunod ay kinatas ng Celtics ang 14 kalamangan, bago kumampante para sa 92-83 lead diretso sa huling yugto.
“In all sincerity, first time I’ve seen Celtics basketball in the last few games,” sabi ni Stevens sa kanyang tropa sa oras ng time-out.(LP)