May go signal na ng Department of Tourism (DOT) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases' (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na payagan ang partial dine-in operations ng mga resto sa lokalidad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Pinaalalahanan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang mga restaurant sa loob ng mga hotel at iba pang akomodasyong istablisyemento na puwede ng mag-operate ngayon Hunyo 15 (Lunes ) basta't obserbahan lang nila ang istriktong 30-percent seating capacity limit para sa dine-in customers, safety measures at protocols.
Ani Puyat, isang composite team na kinabibilangan ng mga miyembro buhat sa DOT, DTI at Department of Labor and Employment (DOLE) ang magsasagawa ng pagsisiyasat para alamin ang panuntunang iniatang sa mga istablisiyemento.
Samantala, nakipagbalikatan ang DOT sa DTI at Talino Venture Labs para magbigay ng digital solutions, free of charge para sa mga DOT-accredited businesses para matulungang maabot ang technological demands sa bagong normal.
Inampon ng IATF-EID ang Talino Venture's SafePass, ang Covid -19 prevention at incident management platform para sa lahat ng business establishments.