Malabon City - Malabon lungsod ng pamana at pagkain, ay kilala ang hospitalidad sa kanilang mamamayan.
Ngunit sa kalagayan ng state of emergency sa gitna ng COVID-19 pandemic, ito rin ay oras ng malikhain at katatagan ng Malabonians para higit na kuminang.
Si Roman Sebastian, isang 25-year old fashion designer na gumagawa ng sariling pangalan sa kanyang wedding gowns at malikhaing paggamit ng local fabrics, ay napagpasyahan na lumikha ng tamang medical suits para sa Malabonian frontliners.
“After the lockdown, there were so many events that were cancelled. But instead of just doing nothing, I decided to use my talent and time to help, especially the frontliners,” ani Roman.
“All the frontliners are heroes – from the ones doing their best to bring relief around the barangays, to those who give care to patients in the medical centers and hospitals.”
Ayon sa Report ng pahayagan MST, Napag-alaman ni Roman na si Malabon Mayor Lenlen Oreta ay naghahanap sa online kung paano gumawa ng protective suits para sa mga health worker.
Tinanong ni Roman ang kanyang kaibigan na nagtatrabaho sa ospital para ipakita sa kanya kung ano ba ang itsura ng isang personal protective suit, at napagpasyahan na maiayos pa ang pattern para higit na komportableng isuot habang sinusunod ang safety standards para sa medical suits.
Tapos ibinigay ni Roman ang enhanced design ng personal protective suit sa misis ni Oreta., si Melissa, na tumutulong din sa proyekto.
Sa pamagitan ni Roman, kinuha nila ang serbisyo ng mga mananahi at dressmakers na pansamantalang walang trabaho para gumawa ng daang kasuotan na magagamit ng frontliners.
Ang suits ay may dalawang kulay – puti at pink. Ang puti ay para sa lahat ng health workers habang ang pink ay para sa frontliners na hindi non-health workers.
Ihahatag din ang personal protective suits sa frontline teams – drivers, barangay health workers, at policemen, at iba pa —na unang respondents kapag may suspected cases ng COVID-19 sa alinmang barangay.
Ang frontliners na pink ay nagdi-distribute ng relief goods sa lahat ng 21 barangay ng Malabon, naghahatid ng positibong kamalayan ng pag-asa at liwanag sa mga nakakasilay nito.
Lumikha din si Roman ng kanyang sariling disenyo para sa face mask, gamit ang inabel fabric bilang material. Sa kasalukuyan nakapag-donate na siya ng 250 piraso para magamit ng Malabonians. - Photo - Manila Standard today