Isasalang ng MILO ang isa pang pulutong ng mga top athletes na masasaksihan ng mga magulang habang sdila’y nakatakdang turuan ang mga kabataan bilang katuwaan at mapalakas ang kanilang pisikal na aktibidad sa kanilang pinakabagong edisyon ng MILO Champion IG LIVE.
Sa April 8 at 10AM at 3PM, bibigyan sigla ng MILO Champions ang Instagram na isasalang ang one-hour training sessions para matulungan ang mga kid na maging aktibo at malusog habang nanatili sa loob ng tahanan.
Ituturo ni National Athlete at SEA Games Gold Medalist Pauline Lopez ang basic taekwondo routines para madebelop ang tatag at bilis sa kanyang Instagram profile.
Para sa bagitong aspiring runners , isusunod ni six-time National MILO Marathon Queen at 2016 Olympian Mary Joy Tabal, na maari nilang tutukan ang kanyang profile para pag-aralan ang wastong running exercises kung saan puwedeng sabayan ng kids kasama ang kani-kanilang mom at dad.
Samantala, kaparehong slots sa April 15, National Team Members Juan at Javier Gomez de Liaño ang ipapamalas ang basic and fundamental basketball moves na madaling masanay ng mga kid kahit nasa loob sila ng kani-kanilang tahanan. Si running icon Coach Rio de la Cruz ay mapapanood din ng live Instagram para pangunahan ang simpleng fun drills para manatiling nasa kondisyon. (Louis Pangilinan)