Ginamit ng San Miguel ang kanilang malawak na karanasan sa papaupos na sandali para lagukin ang 92-88 win kontra dating nananalasang Alaska, Sabado sa PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena, Angeles City, Pampanga.
Pinamunuan ni Alex Cabagnot ang opensa sa tinibang game-high 19 points habang ang katropang beteranong sina Chris Ross at Arwind Santos ang nanindigan sa depensiba tungo sa pagsalansan ng Beermen sa kanilang ikalawang sunod na panalo para sa kabuuang 3-2 kartada.
Maliban sa 17 puntos na pinasabog ni Santos, kumalawit din siya ng 10 rebounds para sa kanyang ikalawang sunod na double-double habang kinaldag ni Ross ang tatlong steals sa loob ng huling dalawang minuto, bawat tangka ng Alaska na lundagin ang 86-90 deficit.
"The veterans, they stepped up really big-time," sambit ni SMB coach Leo Austria. "I think the sense of urgency from the players was there. Everybody was so composed."
Ang talo ng Alaska ang pumigil sa kanilang three-game winning streak at pumantay ang rekord sa 3-3.
Tinukoy ni Austria na ang kanilang naipong enerhiya ay sanhi ng sapat na pahinga buhat sa 105-98 panalo kontra Terrafirma nung Lunes at ang Aces ay tumampisaw sa kanilang ikaapat sa walong araw, na naging susi para pumabor ang timon sa nagdedepensang kampeon.
"We had a four-day break after our last game and this was Alaska's third game in five days. I think that's one of the factors," ani Austria.(LP/PBA)
The sores:
SMB 92 - Cabagnot 19,Santos 17, Tautuaa 16, Lassiter 13, Ross 10, Pessumal 8, Zamar 6, Escoto 2, Mamaril 1, Alolino 0, Vigil 0, De Guzman 0, Comboy 0, Gamalinda 0.
Alaska 88 - Ebona 18, Manuel 18, Digregorio 13, Herndon 12, Tratter 11, Brondil 9, Casio 7, Teng 0, Ahanmisi 0, Marcelino 0, Galliguez 0, Ayaay 0, Publico 0, Andrada 0.
Quarters: 27-17, 41-39, 69-68, 92-88.