PBA Bubble: Elite pinatid ang Batang Pier

PBA Bubble: Elite pinatid ang Batang Pier

PBA Bubble: Elite pinatid ang Batang Pier
PBA

PBA Bubble: Elite pinatid ang Batang Pier

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nakatakas ang Blackwater sa bad trip na simula at nagawang magising sa tamang oras para akuin ang 96-89 panalo kontra NorthPort, Lunes, sa PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Siyudad ng Angeles.

Nagsilbing pamitik sa kampo ng Elite ang pagrampa nina Don Trollano, Roi Sumang at Mac Belo na nagsalba sa walang pinatunguhang simula nang tuluyang makapostura sa
ikatlong kanto ng giyera at kumapit na ng todo sa harap ng palabang Batang Pier.

Makakasama na ngayon ng Blackwater ang San Miguel Beer, TNT, Barangay Ginebra at Phoenix Super LPG sa winner's column ng torneo na idinaos sa pamamagitan ng bubble sa Pampanga para iwasan ang COVID-19 pandemic.

Nanatili ang postura ng mga alipores ni coach Nash Racela na siyang ipinagmamalaking tagumpay sa kanyang unang laro sa pagbabalik sa PBA.

Bago umalis sa laro sa huling apat na minuto sanhi ng rib injury, kumatas si Trollano ng 17 points at 10 rebounds. Si Sumang at Belo na kapwa galing ng bench ay umiskor ng 17 at 16 points, ayon sa pagkakasunod.

Pumukol si Christian Standhardinger ng kanyang sariling double-double na 23 points at 10 rebounds at 6 assists, habang si Sean Anthony ay naglista ng sariling solid stats line na 22, 13 at 6.

Pero si Garvo Lanete ay ang tanging iba pang NorthPort player na may double figures na 14 at apat lang sa huling tatlong yugto.

Sa kabila nang kanilang kahinaan sa shooting lumaban din ng todo ang Batang Pier nang maibaba nito sa iskor ang 67-84 at nagbanta sa 89-93, may 1:01 pa. May pag-asa pa sanang maidikit pa ang iskor kaya lang mintis ang birada ni Frank Golla buhat sa kaliwang korner.

Subalit under pressure na nabitawan ni Kevin Ferrer ang bola mula kay Sumang, na sinambot ni Ed Daquioag para aa fastbreak layup tungo sa six-point game at selyuhan ang panalo.