PBA practice hold, dahil sa MECQ   

PBA practice hold, dahil sa MECQ   

PBA

PBA practice hold, dahil sa MECQ   

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Sa paglagay muli sa National Capital Region sa ilalim ng modified enhance community quarantine (MECQ) ni President Rodrigo Duterte, naudlot na naman ang conditioning practices at training sessions ng mga koponan sa  Philippine Basketball Association. 
 
 Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kanya nang pinaantala ang pagsasagawa ng swab testing sa mga manlalaro ngayong linggo sa  Makati Medical Center matapos magpasya si PDU30 na ilagay ang Metro Manila mula sa general community quarantine (GCQ) tungo sa MECQ mula August 4 - 18  makaraang lomobo ang bilang ng tinamaan ng kaso ng COVID-19  sa 100,000 nitong Linggo.
 
“We just can’t practice yet. I will delay or reset the testing. Let’s see how we can work that out,” sambit ni Marcial.
 
Nakatakda sana ang PBA sa mga pag eensayo pagkatapos na makapag-swab testing ang mga player at sa pag-asang maituloy ang Season 45 sa buwan ng Setyembre o Oktubre buhat nang ito'y sinuspendi noong March 11 bilang bahagi ng kanilang pagpunyaging makatulong sa pagpigil ng pagkalat sa virus.
Sa kabila ng situwasyon,  optimistiko pa si Marcial na maisasalba pa rin nila ang Season 45 ngayong taon. Gayundin, niliwanag ni  Marcial na ang liga ay nanatiling buo ang suporta sa mga desisyon ng pamahalaan.
 
“Kung sa tingin ng gobyerno na makakabuti ito bakit hindi? Sunod lang tayo,” wika ni Marcial.
 
Sa ilalim ng MECQ, hindi pinapayagan ang pag-eensayo kahit walang paglalaro sa ilalim ng joint administrative order na pinorma ng Games and Amusement Board, Philippine Sports Commission at Department of Health.(LP/MST)