MANILA – Inatasan na sina Japeth Aguilar at Adrian Wong na sumailalim sa swab testing at 14-day self-quarantine, Lunes, makaraang mag-
viral ang videos at larawan sa socmed na naglalaro ng basketball sa kabila nang ipinapatupad na general community quarantine (GCQ) sa Kalakhang Maynila.
Ang desisyon ay bahagi ng ginawang sanksyon ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial na isinampal sa Ginebra star at ng Rain Or Shine rookie.
Si Marcial, kasama si Deputy Commissioner Eric Castro at legal counsel Melvin Mendoza, ay nakipag-meeting kina Aguilar at Wong para mapakinggan ang kanilang panig.
Kapwa nagsisisi ang dalawang dating Ateneo players sa kanilang ginawa.
Ang contact sports tulad ng basketball ay nanatiling ipinagbabawal sa panahon ng pinapairal na GCQ, bagamat ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay pinapayagan na ang PBA na magsagawa ng kanilang pag- eensayo.
Sinalampak din ni Marcial ang multang tig-PHP20,000 sa dalawang players gayundin ang dumaan sila sa 30 oras na community service.
Pinagsabihan sina Aguilar at Wong na gawin ang kanilang unang swab test,Martes at panibago pagkatapos ng kanilang quarantine.(LP/PNA)