Ni Louis Pangilinan
Sinopla ng Barangay Ginebra ang huling pagpipiglas ng Meralco, pinasabog ang lahat ng sandata sa huling pinal na minuto para ilugso ang Bolts, 105-93, at muling isampa PBA Governors' Cup crown sa harap ng 15,000 dumadagundong na crowd sa MOA Arena, Pasay City Biyernes ng gabi.
Marahas na pumagitna ang Kings lakip sa isipang wakasan ang laban mula sa ratsada nina Justin Brownlee, Japeth Aguilar, Stanley Pringle, Aljon Mariano at Scottie Thompson para ilatag ang magkasanib na puwersa at tapusin ang best-of-seven series sa limang laro.
Unang umatake si Aguilar sa bisa ng
three-point play kabilang ang dumadagundong na salaksak na nagpaangat sa upuan ng mga diehard na bumasag sa wisyo ng pagresbak ng Meralco matapos na isabit ng Kings ang double-digit pasabog 96-86.
Saliw ang Ginebra crowd wala nang makapagpigil sa Kings para kumpletuhin ang kanilang 3-of-3 versus Bolts sa Ginebra-Meralco trilogy.
Tumipa ng 25 puntos si Aguilar, humatak si Brownlee ng 24 markers at 10 rebounds habang sina Pringle, Thompson at LA Tenorio ay may tig 12 puntos tungo sa paghablot ng kanilang ikaapat na korona ng Kings sa ilalim ni coach Tim Cone at 12th sa kabuuan ng kasaysayan ng prangkisa.
Sa kanyang mahusay na performance sa PBA finals, hinatagan si Aguilar ng Honda PBA Press Corps Finals MVP award.
Si Aguilar, team governor Alfrancis Chua at Cone ay kinilala ang krusyal na pagpupunyagi buhat sa kanilang sixth man - ang kanilang diehards - sa fateful Game Five.
"Down by nine, down by six, down by five, pag-sigaw nyo ng Gi-ne-bra! Gi-ne-bra! balik na agad kami," ani Chua sa kanilang fans sa gallery.
"Ang sarap ng regalo nyo sa akin," Chua aniya pa. PHOTO BY PBA.PH
Mga Iskor:
Ginebra 105 - Aguilar 25, Brownlee 24, Pringle 17, Thompson 14, Tenorio 12, Mariano 6, Devance 3, Dela Cruz 2, Slaughter 2, Dillinger 0.
Meralco 93 - Durham 29, Amer 17, Newsome 13, Hodge 10, Quinto 9, Maliksi 9, Faundo 2, Pinto 2, Caram 2, Salva 0.
Quarterscores: 19-26, 40-46, 70-64, 105-93. (Louis Pangilinan)