Phoenix sinuwerte kay Garcia, dinaan sa tiyaga!

Phoenix sinuwerte kay Garcia, dinaan sa tiyaga!

Phoenix sinuwerte kay Garcia, dinaan sa tiyaga!
PBA

Phoenix sinuwerte kay Garcia, dinaan sa tiyaga!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Naiputok ni R.R. Garcia ang  game-winner para sa Phoenix at sunugin ang Rain or Shine at marahil  kumbinsido na si Fuel Masters coach Louie Alas para sa talentadong guard kung saan ang tropa'y hilahod at malamig sa pagsisimula ng  season-ending PBA Governors Cup.

"Sinasabi ko nga, elite guard yan, magaling talaga. Kailangan lang bumalik ang kumpiyansa niya," sambit ni Alas sa kanyang playmaker para bigyan ang  Fuel Masters ng bagong buhay sa Asia's first play-for-pay league.

Nauwi si Garcia sa kawalan matapos na malagay sa listahan ng free agency ng TNT KaTropa sa simula ng taon at sinabihang wag nang pumunta sa mga practice ng koponan. Nang mapaso ang kanyang kontrata nitong Agosto, sumubok siya sa E-Painters pero hindi nakapirma, na naging daan para hugutin ni Alas.

"Actually matagal ko na siyang gustong player, eh. Alam ninyo ba history niyan? Sa akin nag-try out sa Letran bago napunta sa FEU. Eh kaya lang nung nag-try out siya sa Team B, nasa Team A ako so di ko nakuha. Iyung nagdala sa kanya sa Letran, dating player ko sa Las Pinas. Iyon, nung hindi siya nakuha, napunta sa FEU," pag-alala ni Alas.

Si Garcia, dating UAAP MVP, ay lumagda ng one-conference contract sa Phoenix, na may average na 7.67 points, 2.50 assists at  0.33 steal sa 24 minutong paglalaro sa anim na asignatura.Isa na ang pinakamahusay niyang nilaro nung Miyerkoles  na humakot ng 14 points at tatlong tres na kinasihan ng huling ' bahala na si batman' na basket at itawid ang 86-84 kantada ng Phoenix kontra ROS dahilan para manatiling  buhay ang Fuel Masters sa playoffs race.

"Lagi ko sinasabi. magpasensya ka lang, gusto mo gumanda agad ang laro mo, hindi mo agad makukuha yan. This is not a sprint, sabi ko marathon ito. So game out, game in, dapat may nakukuha ka na dati mong ginagawa. Okay naman so far yung nakikita ko," ani Alas.

Sa katunayan sumalto si Garcia sa tsansang maselyuhan ang laro  bagupaman sa free-throw line ngunit  hindi naman nasayang sa sumunod nang maiporma  siya ni Eugence Phelps para sa buslo.

"Hindi naman dapat siya ang naging hero doon pero naging recipient siya ng pasa ni Eugene. Yung mga ganong bata, hindi mo maituturo yan eh. Yung right place, right time, hindi naman siya dapat nadoon, pumunta siya doon, nalibre siya,' ani Alas.

Ganado si Garcia sa ibinigay na tiwala at tiyaga ng koponan.

"Sabi nang sabi sa akin si coach, kumpyansa lang, kaya ayun, sinusuklian ko yung sinasabi sa akin ni coach, Syempre, masaya ako at nakabalik ako sa PBA dahil sa kanya, dahil sa Phoenix management. Sana tuloy tuloy na", . (PBA.ph)