ni Louis Pangilinan
Kinando ng University of the Philippines ang isang playoff para sa Final Four sa pag-iskapo ng 80-77 panalo kontra National University sa UAAP Season 82 men's basketball tournament Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.
Gising na gising sa ikalawang parte ng hidwaan si Jun Manzo sa pagpaulan ng 12 sa kanyang 14 points at pamunuan ang Fighting Maroons sa back-to-back victories, tungo sa pagtabas ng kanilang 8-4 baraha.
Matutuldukan ng UP ang semifinals spot alinman sa FEU, na kaharap ang Adamson habang isinusulat ito , o kaya’y La Salle, na sasagupain ang UST sa huli , matalo ang kanilang respektibong laro.
"The expectations are a little higher than that. Parang dapat lang na nandoon tayo," ani coach Bo Perasol. "But we have to count our blessings. We can’t go to the highest point of the competition if we can’t get to the next level."
Tumipa si Kobe Paras ng 19 points, six assists, four rebounds, at isang block, sa kanyang three-pointer may 3:02 ang nalalabi para itulak ang Fighting Maroons na makaungos, 77-70.
Ngunit nagawang kumayod ng Bulldogs para putulin an gang angat sa dalawa, 77-75, at may tsansa maitabola ang laban kung na naikabit lang ni John Lloyd Clemente ang kanyang left wing jumper. Pero mintis ang tira, na naging daan kay Manzo sa 3-of-4 sa linya may 13 seconds na lang.
Nanatiling dapa sa 2-10 card ang NU.
Iskor:
UP 80 -- Paras 19, Akhuetie 16, Manzo 14, Ju. Gomez de Liano 11, Rivero 8, Webb 5, Ja. Gomez de Liano 4, Prado 3, Gozum 0, Jaboneta 0, Murrell 0, Tungcab 0.
NU 77 -- D. Ildefonso 24, Gallego 20, Oczon 12, S. Ildefonso 10, Gaye 6, Joson 2, Minerva 2, Galinato 1, Clemente 0, Diputado 0, Malonzo 0, Mangayao 0, Rangel 0, Yu 0.
Quarterscores: 13-11, 32-25, 56-51, 80-77. (Louis Pangilinan)