PINAANDAR ng Meralco ang ibayong enerhiya sa huling kanto ng giyera para silaban ang Terrafirma, 104-92, Biyernes sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Tinuklap ni Johnny O'Bryant ang 31 points sa kabila ng siyam na kalawit, apat na asiste at tatlong dinambong, at sa ayuda na rin ng mga lokal sa pangungguna ni Bong Quinto at Allein Maliksi sa pagdiin ng krusyal na 12-2 pasabog ng Bolts para mailatag ang 96-82 lead at kanilang buenamanong panalo sa tatlong pagtatangka sa komperensiya.
Tumabo ng 18 baskets, anim na rebounds si Maliksi, naghatag si Quinto 17 at pitong rebounds, gayundin kumaldag si Aaron Black ng 17 points samantalang si Chris Banchero ay nagdagdag ng 12 markers, pitong assists, at limang boards kunsaan pawang umaklas para sa Meralco sa kabila nang kawalan ni Chris Newsome at head tactician Norman Black sanhi ng safety protocols.
"When the ball was moving and there was a bit more flow, I think we were able to operate on the offense. We shared the ball," batay sa paglalarawan ni interim coach Luigi Trillo sa naging kinalabasan ng laban.
Pinagtrabaho din ni Trillo ang iba pang lokal ng Bolts para mapagaan ang masigasig na pag-atang ni O'Bryant.
"Aside from Bong, who played extremely well, give credit also to CB (Banchero), Raymond Almazan, who I thought came out also and chipped in when substituted to help out the regulars," ani Trillo.
Ito na ang ikaapat na pagkadulas ng Terrafirma sa gayundin karaming asignatura sa komperensiya at ika-20 magkakasunod mula sa nakalipas na season. (Louis Pangilinan/PBA)
Iskor:
Meralco 105 - O'Bryant 31, Maliksi 18, Quinto 17, Black 17, Banchero 12, Almazan 8, Hodge 2, Johnson 0, Caram 0, Pasaol 0, Pascual 0, Jose 0.
Terrafirma 92 - Prosper 35, Tiongson 11, Gomez de Liano 11, Camson 11, Cabagnot 10, Munzon 8, Calvo 2, Alolino 2, Gabayni 2, Cahilig 0, Javelona 0, Mina 0, Balagasay 0.
Quarters: 26-27, 55-52, 79-76, 105-92