Kampeon ang Tropang Giga!

Kampeon ang Tropang Giga!

Kampeon ang Tropang Giga!
PBA

Kampeon ang Tropang Giga!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Masigabong naibalik ng TNT ang trono ng karangalan na sinaniban ng magiting na pag-alagwa kaakibat ang kanilang 10-1 arangkada sa elims round.

Epikong nakumpleto ni Mikey Williams ang kanyang sariling kuwento bilang super rookie para pamunuan ang Tropang Giga sa paghugot ng prestihiyosong Emilio "Jun" Bernardino Trophy.
Sa bandang huli, hinatagan ang Fil-Am spitfire ng Honda Finals MVP plum.

"We're just so blessed. It'd been very challenging," bulalas ni Williams, ang unang rookie Finals MVP sa liga sa loob ng mahabang panahon.

May malaking puhunan din naisosyo sina RR Pogoy, Jayson Castro, Troy Rosario, Poy Erram, Ryan Reyes, Glenn Khobuntin at Kib Montalbo kung saan sinelyuhan TNT ang tratado sa pagpakete ng unang korona ng prangkisa mula pa noong 2015 Commissioner's Cup.

Nanguna sa pagkayod si Williams na may 24 points kabilang ang apat na tres, pumutok si Pogoy ng 19 at gumatilyo si Castro ng 10 sa mariing Game 5 win diretso sa pagkumpleto ng tagumpay ng TNT sa serye.

Hinagip ng Tropang Giga ang Game 1. 88-70, Game 2. 105-93 at Game 4, 106-89.
Sa pagsagasa sa sariling aspirasyon ng Magnolia, naitabla ng Tropang Giga ang talaan ng Hotshots bilang ikalawang winningest team sa all-Filipino na may anim na kampeonato.
Hugot ng TNT ngayon ang 8-time PBA champ overall - lima dito ay koronang naisakatuparan sa ilalim ni multi-champ coach Chot Reyes.(LP/PBA)

 

Iskor:
TNT 94 - M. Williams 24, Pogoy 19, Catsro 10,Reyes 9, Rosario 9, Khobuntin 8, Erram 7, Montalbo 7, K. Williams 1, Exciminiano 0, Heruela 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0, Mendoza 0.

Magnolia 79 - Sangalang 18, Abueva 14, Ahanmisi 11, Barroca 10, Lee 7, Dela Rosa 5, Dionisio 5, Reavis 4, Pascual 4, Jalalon 1, Brill 0, Corpuz 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0.

Quarters:21-14, 47-33, 72-53, 94-79.

 

(Photo courtesy by:Pba.ph)