Abueva dinakot ang Cignal Play- PBA Press Corps of the Week honor

Abueva dinakot ang Cignal Play- PBA Press Corps of the Week honor

Abueva dinakot ang Cignal Play- PBA Press Corps of the Week honor
PBA

Abueva dinakot ang Cignal Play- PBA Press Corps of the Week honor

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Puwersa, liksi at tibay, mga karakter na tinarget ng Magnolia para hugutin ang isang player tulad ni Calvin Abueva.

At sa maigsing panahon inani na ng Hotshots ang bunga na kanilang isinugal sa off-season.

Pinangatawanan lang ni Abueva ang bansag sa kanyang 'The Beast' sa PBA Philippine Cup playoffs, binitbit ang Magnolia sa pagwalis sa Rain or Shine sa kanilang best-of-three quarterfinals series, at sinundan sa pag- ariba sa Game 1 ng semifinals matchup kontra Meralco sa kabila nang nabalutan ng foul trouble para manaig, 88-79.

Ang kabayanihan ni Abueva ang sumakop para piliin siya bilang Cignal Play-PBA Press Corps' Player of the Week sa petsang Sept. 29 hanggang Oct. 3.

Sa panahong 'yan, ang 33-year-old forward ay nag-veraged ng 16.5 points at 13.0 rebounds, habang tumirada ng 52 percent mula sa floor.

Si Abueva ang dominanteng puwersa sa Hotshots' 96-86 closeout win laban sa Elasto Painters sa Game 2 sa kanilang serye sa pagpukol ng 20 points at kumalawit ng 19 rebounds.