Kinalsuhan ni Kelly Williams ang kanyang pinakaswabeng pagbalik sa paglalaro, kung saan napreserba ng TNT ang walang mantsang kartada sa bisa ng 83-76 panalo sa Magnolia sa low-scoring duel sa PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga, Linggo.
Tumitipa lang ng katiting na 5.0 points at 6.8 rebounds sa kanilang nakalipas na laro, iginiit ni Williams ang kanyang sarili nang mas maangas at nailista ang 15 boards at 13 markers, kabilang na ang ang magarbong three-pointers sa huling kanto.
Nagsanib sina Jayson Castro at Poy Erram kay Williams sa pagpaputok ng tres sa payoff period para abatan ng Tropang Giga ang anumang pag-aklas ng Hotshots para ariin ang pang-anim na sunod na panalo.
"We know they're a hard-pressing team with a lot of active guards who are aggressive and skilled. We know we have our hands full coming in and we want to be sure to focus on being smart with the ball," ani Williams.
Nagawa lang nilang kalusin at lansihin ang Hotshots na ninamnam ngayon ang ikalawang talo sa tatlong laro sa Bacolor play.(LP/PBA)
The scores:
TNT 83 - Castro 17, M. Williams 14, K. Williams 13, Pogoy 12, Rosario 11, Erram 9, Marcelo 4, Heruela 2, Reyes 1, Exciminiano 0, Khobuntin 0, Montalbo 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.
Magnolia 76 - Abueva 23, Lee 13, Sangalang 10, Barroca 10, Jalalon 9, Corpuz 5, Dela Rosa 4, Reavis 2, Brill 0, Melton 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0, Dionisio 0.
Quarters:15-15, 35-32, 59-52, 83-76
(Photo Courtesy by:Pba.ph)