Naisalang ni Stipe Miocic ang wastong taktika para gibain ang arsenal ni Daniel Cormier sa pamamagitan ng unanimous decision at imentina ang kanyang UFC Heavyweight crown sa UFC 252 na idinaos sa UFC Apex sa Las Vegas, Nevada, Linggo.
Nakontrol ni Miocic ang laban sa kanyang striking. Bagong pinangiwi ni Miocic na nagbalya kay Cormier sa hawla sa mahabang tandisan ng giyera para maabatan ang grappling ng huli.
Sa kanyang istratehiya panalo kada round si Miocic maliban sa una, at sa dalawang scorecards ng hurado para maitala ang decisive win. Iniskoran ng tatlong hurado ang laban sa 49-46, 49-46, 48-47 lahat para kay Miocic.
Aksidenteng natusok ni Cormier ang kaliwang mata ni Miocic sa ikalawang round. Winarningan siya ng referee ngunit hindi binawasan ng puntos.
Aksidente rin natusok ni Miocic ang kaliwang mata ni Cormier sa huli ng sagupaan. Hindi rin man lang nakita ng referee ang matang natulos.
Halos ma-knockout ni Miocic si Cormier sa second round nang komonekta ang kanang dalawang kamao sa panga.
Ang groging si Cormier ay gegewang- gewang na napaatras sa cage at halos matutumba na para subukang maiwasan ang atake ni Miocic na ikinasa niyang itumba sa ground at pagbabayuhin.
Naipulupot ni Cormier ang kapwa niya braso sa bewang ni Miocic para bahagyang humulagpos at umeskapong maigupo at maisalba ang laban sabay sa pagtunog ng kalembang.
Ang tagumpay ang kumandado sa kanilang madramang three-fight rivalry kung saan si Miocic ang lumabas na pinakamagaling na UFC Heavyweight champion sa mapanuring mata ng mga eksperto.
Ni-knockout ni Cormier si Miocic sa unang round para manaig sa una nilang laban sa UFC heavyweight crown sa UFC 226 noong July 7, 2018.
Pumabor naman kay Miocic ang ikalawang pagtatagpo nang ma-knockout niya si Cormier para makopo uli ang titulo sa UFC 241 noong August 17, 2019.