Gomez, Concio magkasalo sa 2nd sa 11th edition ng Kamatyas Invitational GM Tournament 2023

Gomez, Concio magkasalo sa 2nd sa 11th edition ng Kamatyas Invitational GM Tournament 2023

Gomez, Concio magkasalo sa 2nd sa 11th edition ng Kamatyas Invitational GM Tournament 2023

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MARIKINA CITY, Philippines — Nagkaroon ng magkaibang resulta sina Grandmaster John Paul Gomez at International Master Michael Concio Jr. sa ninth at final round para tumapos ng magkasalo sa second sa likuran ni eventual champion Grandmaster Susanto Megaranto ng Indonesia sa 11th edition of Kamatyas Invitational GM Tournament 2023 na ginanap sa Grandmaster Eugene Torre Museum ng Pan de Amerikana sa Concepcion Dos, Marikina City nitong Sabado, Disyembre 16, 2023.


Pinabagsak ni Gomez si International Master Jan Emmanuel Garcia habang hinapit ni Concio si Megaranto sa isang tabla. Nagtapos sina Gomez at Concio sa No. 2 at No.3 placers na may tig-5.5 puntos. Nakuha ni Megaranto ang korona na may 6.5 puntos sa isang linggong FIDE Standard tournament na pinagsamang inorganisa nina International Master Roderick Nava at National Master David Almirol ng Kamatyas Chess Club.
Pinuri ni National Coach FIDE Master Roel Abelgas ang kahanga-hangang ipinakita nina Gomez at Concio sa chess tournament sa Marikina City."They make our country proud."
Pinatalsik ni International Master Daniel Quizon si Woman International Master Miaoyi Lu ng China habang si International Master Paulo Bersamina ay na-draw kay International Master Joel Banawa ng United States. Nagtapos sila ng tig-limang puntos.

Final Standings at tournament payouts:
6.5 points---GM Susan Megaranto of Indonesia (($4,000 )
5.5 points---GM John Paul Gomez of the Philippines ($2,000), IM Michael Concio Jr. of the Philippines ($1,000)
5.0 points---IM Paulo Bersamina of the Philippines ($800 ) IM Daniel Quizon of the Philippines ( $700)
4.5 points---GM Tuan Minh Tran of Vietnam ($500),  IM Jan Emmanuel Garcia of the Philippines ($500), IM Joel Banawa of USA ($500)
3.0 points---GM Rogelio Antonio Jr. of the Philippines ($500)
1.0 points---WIM Miaoyi Lu of China ($500)


Hinati ni Grandmaster Tuan Minh Tran ang mga puntos kay Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr.
Tumabla sina Tran, Garcia at Banawa sa 6th hanggang 8th placers na may tig-4.5 points na sinundan ni Antonio na lumapag sa over-all 9th na may 3.0 points at Miaoyi sa cellar dweller na may 1.0 point.-Marlon Bernardino-
Caption photo:
organizers, sponsors, chess officials at participants sa isang souvenir photo
Caption photo:
Si International Master Michael Concio Jr. versus Grandmaster Susanto Megaranto ng Indonesia. Kasama din sa photo ay sina International Arbiter Patrick Lee at International Arbiter Ricky Navalta.