Handa ang PH team para sa FIDE World Youth Chess Championship tilt sa Montesilvano, Italy

Handa ang PH team para sa FIDE World Youth Chess Championship tilt sa Montesilvano, Italy

Handa ang PH team para sa FIDE World Youth Chess Championship tilt sa Montesilvano, Italy

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
MANILA--- Handa na ang Philippine chess team sa FIDE World Youth Chess Championships na magsisimula sa Nobyembre 12-25 sa Montesilvano, Italy.


“I will do my very best for flag and country,” sabi ni FIDE Master Mark Jay Bacojo, na idinagdag na umaasa siyang makakuha ng ELO Standard rating points sa FIDE tournament.
“Handa na siyang maglaro. He’s actually doing really well," ani Filipino at United States chess master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., Head of Delegation na bahagi rin ng coaching staff na kinabibilangan nina Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza at Ederwin Estavillo.


Nakuha na ni Bacojo ang kanyang una sa tatlong IM Norms sa 18th IGB Dato' Arthur Tan Malaysian Open Chess Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Setyembre.
Kakailanganin niyang pagbutihin ang kanyang kasalukuyang ELO Standard rating na 2335 hanggang 2400 bilang FIDE requirment para sa International Master title.


Kasama ni Bacojo sina FIDE Master Christian Gian Karlo Arca, National Master Oscar Joseph Cantela, Woman National Master Bonjoure Fille Suyamin, Woman National Master Kaye Lalaine Regidor at Woman National Master Franchesca Largo.


Inimbitahan din ng organizing committee (UNI Chess) sina Jirah Floraive Cutiyog, Maureiin Lepaopao, Anica Shey Dimatangihan, Mark Gabriel Usman at Charly Jhon Yamson.
Ang kampanya ng PH chess team ay magiging posible sa suporta ng NCFP, PSC, POC, DFA, City Of Dasmarinas (Cavite), City of General Trias (Cavite), City of Santa Rosa (Laguna) at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) .-Marlon Bernardino-