Nakuha ni Arca ang unang IM norm

Nakuha ni Arca ang unang IM norm

Nakuha ni Arca ang unang IM norm

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
MANILA---Nakamit ng impresibong tagumpay si FIDE Master Christian Gian Karlo Arca laban sa Malaysian Candidate Master Jun Ying Tan para makuha ang kanyang unang International Master norm sa mahihirap na siyam na round 18th IGB Dato' Arthur Tan Malaysian Open Chess Championship 2023 sa Cititel Midvalley, Midvalley Megamall , Kuala Lumpur, Malaysia na ginanap noong Agosto 28 hanggang Setyembre 3.


Ang wood pusher na nakabase sa Dasmariñas City ay nilaro ang mga itim na piraso sa kanyang huling laban upang makakuha ng iskor na 6.0 para sa labing pitong paraan na tie sa ikalabing-isang puwesto pagkatapos ng isang linggong internasyonal na torneo na suportado ng Malaysian Chess Federation.


Tinapos ng Grade 9 student ng Dasmariñas Integrated High School ang kanyang performance na may apat na panalo, apat na tabla at isang talo sa torneo na bahagi rin ng Malaysian Chess Festival.
“Sobrang saya ni Christian claiming his first IM norm dito sa 18th IGB Dato' Arthur Tan Malaysian Open Chess Championship 2023 tournament, he need two IM norm para ma complete ang kanyang IM title in this sport kaya until now sobrang motivated ang bata,” sabi ng ama ni Christian na si Arman sa sportswriter Marlon Bernardino.


Nailista ni Arca ang mga iba pang panalo kina Kay Yan Eden Pang ng Singapore (Round 1, Elo rating of 1366), IM Ameya Audi ng India (Round 3, Elo rating of 2403) at IM Gilbert Elroy Tarigan ng Indonesia (Round 6, Elo rating of 2370).
Tabla siya kina FM Aditya Bagus Arfan ng Indonesia (Round 2, Elo rating of 2410), CM Kamotra Soham ng India (Round 3, Elo rating of 2381), IM Xiangyi Liu ng Singapore (Round 5, Elo rating of 2374) at CM Khuong Duy Dau ng Vietnam (Round 8, Elo rating of 2292).


Sa round seven ay natamo ni Arca ang bukod tanging kabiguan sa kamay ni Indian GM Deepan Chakkravarthy J. na may ELO 2446.
"Masaya po ako nakuha ko ang 1st IM norm saka nag gain ng Elo 154.8 points," sabi ni Christian sa sportswriter Marlon Bernardino.
Ang 14-year-old chess wizard na natuto sa larong chess sa edad na siyam ay nakopo din ang bronze medal award matapos makisalo sa 1st place sa blitz competition nitong Setyembre 3.
Nakamit ni IM Siddharth Jagadeesh ng Singapore ang gold habang naisubi ni GM Nguyen Van Huy ng Vietnam ang silver medal. Ang tatlo ay kapwa nakapagtala ng tig 7.0 points.
Tinalo ni Arca ang mga kababayan na sina FM Nelson Villanueva sa fourth round, IM Daniel Quizon sa seventh round at WGM Janelle Mae Frayna sa eight at final round.


Masisilayan si Arca takes sa kanyang third international tournament sa taong ito at magtatangka bilang kauna-unahang Filipino na magkakampeon sa Open Under 18 category ng  tough at prestigious World Youth Chess Championship sa Nobyembre 12 hanggang 25 sa Montesilvano, Italy.
Si Arca na nasa gabay ni NCFP chairman/president Cong. Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. ay nakatakda ding lumahok sa Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. FIDE Rapid Rated Open Chess Tournament sa Setyembre 30 na gaganapin sa second floor Open Kitchen Foodhall, Rockwell Business Center, Sheridan Street, Mandaluyong City.-Marlon Bernardino-