Nagkampeon si Samano sa Sokor blitz chess

Nagkampeon si Samano sa Sokor blitz chess

Nagkampeon si Samano sa Sokor blitz chess

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nagkampeon si Samano sa Sokor blitz chess
ni Marlon Bernardino
MANILA---Nagkampeon si Renato Samano Jr. sa 2nd Blitz Chess Championships noong Linggo sa Philippine Embassy sa Seoul, South Korea.


Tinapos ni Samano ang torneo na may 6.0 puntos para maiuwi ang titulo. Ang event ay inorganisa ng Philippine Embassy sa South Korea sa pakikipagtulungan ng Philippine E-9 chess club.
Nakakuha ng tig-5.0 puntos sina Danny Layam, Recca Joel Carcueva, Hyo Jin Kim at Emerson Mendoza para isunod si Samano sa pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglimang puwesto. Gayunpaman, nakuha ni Layam ang pangalawang puwesto matapos makakuha ng mas mataas na tie break points, na sinundan ng ikatlong Carcueva, ikaapat na Hyo Jin at ikalimang Mendoza.
Tumabla sina Cain Miro, Raffy Miranda, Viel Espinosa, Erwin Corias, Augusto Villarosa, Hyo Seong Kim at Romeo Lambonao sa ika-anim hanggang 12th placers na may tig-4.0 puntos.-Marlon Bernardino-

Larawan ng caption:


Mula sa kaliwa: Vice Consul Jill De Dumo-Cornista, Philippine E-9 chess club founder Jun Jun Jabay, Ambassador B. Dizon-De Vega at Consul General Romulo Victor Israel Jr.