UAAP Season 85 Women's Chess -Lady Bulldogs tinaktak ang Lady Falcons,  4-0

UAAP Season 85 Women's Chess -Lady Bulldogs tinaktak ang Lady Falcons,  4-0

UAAP Season 85 Women's Chess -Lady Bulldogs tinaktak ang Lady Falcons,  4-0

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Matikas na inumpisahan ng National University ang kanilang pagdepensa sa korona matapos tibagin  ang Adamson University sa pamamagitan ng 4-0 shutout sa Round 2 ng UAAP Season 85 Women's Chess Championships,   Linggo sa FEU Diliman Sports Complex.
 
Sa panalo, tinalon ng NU ang Adamson, na isinampa ang top spot  pagkatapos ng Round 1, sa standing sa kabila ng pagkuha ng bye sa pagsisimula ng araw ng taktakan.
 
Muling pinaramdam ni Season 84 Rookie of the Year at MVP na si Allaney Jia Doroy ang kanyang presensya sa torneo sa kanyang bukod tanging   pagpapamalas sa Board 1 laban kay Robelle De Jesus, na dinaig ang kanyang karibal sa pinpoint middlegame play para sa isang kalmadong panalo gamit ang itim na piyesa.
 
Nagpakita rin si Kylen Joy Mordido ng kanyang pagka-astig sa Board 2, na nanalo pagkatapos ng 57-move rook at pawns endgame kontra Jashua Patria.
 
Nakumpleto nina Jesca Docena at Princess Nicole Ballete ang shutout na may mga panalo sa Board 3 at 4, ayon sa pagkakasunod.
 
Nahugot ng Far Eastern University ang literato sa standings matapos na umiskor ng 3-1 panalo laban sa University of the Philippines.
 
Ang rookie na si Me Ann Joy Baclayon at Divine Grace Luna ay umiskor din ng 
 panalo sa Boards 1 at 3, ayon sa pagkakasunod, habang sina Bea Mendoza at Rizalyn Jasmine Tejada ay kumapit sa kanilang mga oposisyon na Maroon sa bisa ng draw para makuha ang panalo.
 
Sinundan ng UST  ang opening-day draw nito sa pamamagitan ng 2.5-1.5 win laban sa Ateneo de Manila University para umakyat sa ikalawang puwesto sa standing.
 
Kapwa nakahablot ng panalo sa kani-kanilang asignatura sina Macydel Fajardo (Board 1) at Josemier Jene Panol (Board 2)  habang si Jamaica Marie Lagrio (Board 4) ay nakasalba ng draw para masiguro ang panalo ng UST sa Round 2.
 
Si Arena Grandmaster Alexis Anne Oseña ang nag-iisang nakasilip ng sapat na liwanag para sa Ateneo matapos kunin ang panalo gamit ang black piece sa Board 3.
(Louis Pangilinan/UAAP)