MANILA, Philippines---Inaasahan si Filipino chess wizard Michael Jan Stephen "Bonbon" Rosalem Inigo na magpapakitang gilas sa pagtulak ng Eastern Asia Youth chess championship sa Oktubre 1-3, 2021.
Ang 13 years old Inigo na Grade 8 student ng Bayawan City Science and Technology Education Center (BCSTEC) ay sariwa pa sa runner-up finish sa Under-14 boys Eastern Asia Youth selection nitong Setyembre 12, 2021.
" Congratulations Kuya "Bon2x" Michael Jan Stephen Inigo, 2nd Place of the currently concluded selection event for Eastern Asia Youth Chess championship 2021 in the field of Chess U14 Boys dated September 11 & 12,2021 via Tornelo Platform," sabi ni proud mother Jeanshen Rosalem, co team manager ng PCAP's Negros Kingsmen.
Si Bonbon ay patuloy ang kanyang advanced one on one training kay Coach FM Nelson "Elo" Mariano, III ng Red Kings Kid in Manila at trainer AGM Voltaire Marc Paraguya at iba pang spare parts of partners sa kanyang training bilang paghahanda.
Kilala sa tawag na Bonbon sa chess world ay parte din ng Philippines Team B ranking 8th overall sa 15U Boys Open Division ASIAN Schools Chess Championships 2021 na tumapos na #28 out of 103 Chess Players sa kabuuang Asian Region. Siya ang 2nd highest scoring player sa whole Philippine Delegation.