by Marlon Bernardino
Manila, Philippines---Muling namayagpag si Philippine chess wizard Ivan Travis Cu of San Juan City matapos magkampeon sa BATCH-Barangays Achieving Through Chess Kiddies Under-12
Online Rapid (15 minutes) Chess Tournament na tinampukang Search for Kid Grandmaster nitong Linggo, November 29, 2020 sa lichess.org.
Tumapos ang 11-year-old Cu, grade six pupil ng Xavier School under the guidance ni coach Rolly Yutuc ng perfect 7 points sa seven outings sa event na inorganisa ni BATCH founder at former NCFP director Eduardo "Ed" Madrid, national arbiters Boyet Tindugan Tardecilla at Alvin Yen.
Kabilang sa mga tinako ni Cu ay sina Yaneah Sofia Tanguilan Morada ng Tuguegarao City, Cagayan (first round), Kayla Lorraine Aurelio ng Pangil, Laguna (second round), Ryien Bahita ng Canlaon City, Negros Oriental (third round), Cyrus James Damiray ng Tanza, Cavite (fourth round), Cassey Miguel Tabamo ng El Salvador City, Misamis Oriental (fifth round), Gabriel Ryan Paradero ng Pasig City (sixth round) at Dennis Jocel Mendoza ng Mandaluyong City (seventh round).
Magkasalo sa second hanggang third places ayon sa pagkakasunod ay sina Pat Ferdolf Macabulos ng Mabatang, Bataan at Cyrus James Damiray ng Tanza, Cavite na may tig 5.5 points.
Nagpakitang gilas din si Jericho Winston Cu, younger brother ni Ivan Travis, na tinalo si Jaycol Sodela sa final round tungo sa total 5 points para makisalo sa fourth hanggang 12th placers.
Ating magugunita na ang magkapatid na Ivan Travis at Jericho Winston Cu ay nagbigay ng karangalan sa bayan bagamat unang pagkakataon pa lamanng sila lumahok sa international chess arena para pangunahan ang Philippines kids chess team sa tagumpay sa 36th Singapore National Age Group Chess Championships na ginanap sa Expo MAX Atria nitong Dec. 27–30, 2019.
Giniba ni Ivan Travis Cu si Oscar Gao (elo 1595) ng Australia sa eight at final round tungo sa second place sa Boys 10 and under. Naka kolekta si Ivan Travis ng seven wins at one loss na may total performance 1622 sa kanyang effort.
Habang sa panig naman ni Jericho Winston Cu ay nasa eighth place sa Boys 9 and under na may 5.5 points matapos padapain si Shravan Shetty Kashyap ng India sa last round.-Marlon Bernardino-