Listahan ng mga benipisyaryo ng Social Amelioration Program ilahad - Sotto
Latest News

Listahan ng mga benipisyaryo ng Social Amelioration Program ilahad - Sotto

Manila - Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III na ipublisa ang mga pangalan ng nga indibidwal na nakinabang mula sa emergency cash subsidies na ipinamahagi sa ilalim ng  social amelioration program (SAP),
Manila - Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III na ipublisa ang mga pangalan ng nga indibidwal na nakinabang mula sa emergency cash subsidies na ipinamahagi sa ilalim ng  social amelioration program (SAP),
para umano maging bukas sa lahat (transparent).
 
Sa pahayag,  sinabi ni Sotto na may mga reklamo buhat sa mga  low-income worker at miyembro ng vulnerable sectors patungkol sa distribusyon ng P5,000 to P8,000 emergency cash subsidy ang hindi naambunan buhat sa gobyerno.
 
"Marami tayong naririnig na reklamo na hindi umano natanggap ng mga taong dapat ay kwalipikadong makakuha ng cash assistance na pinayagan ng Kongreso sa ilalim ng Bayanihan Act," ani Sotto.
 
"Kaya ang tanong natin ngayon, sino-sino na ba ang nabigyan ng gobyerno? Bakit marami ang nagrereklamong hanggang ngayon ay hindi pa nila nakukuha ang ayuda na nakasaad sa batas?” sambit pa niya.
 
Ayon kay Sotto kailangang i-upload ng Department of Social Welfare and Development sa kanilang  website ang mga pangalan para dun sa mga nakatanggap na ng  cash grant gayundin sa mga lugar na sakop na buhat nang simulan ang pamamahagi ng naturang ayudang pinansiyal. 
 
Ang paglalahad aniya pa ay para masiguro sa publiko na ang perang ipinamahagi ay katunayang natanggap na ng isang benipisyaryo.
 
“The DSWD has the masterlist of those who have already benefited from the SAP. It should make public the names of the recipients for the sake of transparency,” ani Sotto.
 
Pinunto ni Sotto na sa ikatlong linggong ulat ni  President Rodrigo Duterte sa Congress, nabanggit na ang pinaluwal lang ng DSWD ang   P80 billion buhat sa P100 billion ba nakalaan para sa SAP sa buwang ng April, kawalan ng detalye sa distribusyon ng nasabing assistance gaya ng kabuang bilang ng nga resepyente, lugar ng nabahaginan at  breakdown sa halagang ibinigay sa recipient barangays o local government units.
 
“Nakukulangan ako sa report, hindi kumpleto. Kailangang  malinaw sa aming mga mambabatas at sa publiko kung paano ibinahagi itong perang ito. Kulang sa detalye ang ipinasang report sa Kongreso,” aniya. - Robert Louis Pangilinan
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus