Istriktong implimentasyon ng ECQ, inilatag
Latest News

Istriktong implimentasyon ng ECQ, inilatag

Sa gitna ng tumataas na bilang ng mga pasyenteng nahawaan ng  coronavirus disease 19, at patuloy na paglobo ng ECQ related violations, mas mahigpit na pagpapatupad ng  enhanced community quarantine related laws ang tinitingnan para pinal na masolusyunan ang problema laban sa mga lumalabag sa ECQ.
Sa gitna ng tumataas na bilang ng mga pasyenteng nahawaan ng  coronavirus disease 19, at patuloy na paglobo ng ECQ related violations, mas mahigpit na pagpapatupad ng  enhanced community quarantine related laws ang tinitingnan para pinal na masolusyunan ang problema laban sa mga lumalabag sa ECQ.
 
Kaugnay nito, itatalaga ang SAF at APF na makatulong para ikalat ang kanilang tropa sa pagsasagawa ng mas pinalakas na implementasypn ng ECQ sa Metro.
 
Sa teleconference kahapon, April 21, 2020, isinagawa ang koordinasyon sa TFC, JTF-NCR at F3, SAF kaugnay sa pagpapaigting ng kasalukuyang  implementasyon ng ECQ.
 
Nakapostura ang PNP SAF na mailunsad ang  12 teams na may tig 8 personnel na kinapalooban ng kabuuang puwersang 96 katao kabilang ang 20 support drivers sa kabuuang 116 personel buhat sa Special Action Force.
 
Ang armadong  SAF augmentation team ay ilalarga mula  6:00AM hanggang 12:00 noon kada araw sa mga sumusunod na Siyudad:
 
1. Manila City;
2. Pasay City;
3. Pasig City;
4. Taguig City;
5. Las Piñas City ;
6. Caloocan City;
7. Muntinlupa City;
8. Parañaque City; at
9. Marikina City.
 
Samantala, itataya ng TFC, JTF-NCR na maikalat ang kanilang 525 reservist na mamanduhan ng regular army personnel at armado ng short fire arms. Sila'y itatalaga sa mga sumusunod na mga lugar:
 
1. Pateros;
2. Quezon City;
3. Parañaque City;
4. Manila City;
5. Taguig City;
6. Makati City; at
7. Pasay City
 
Para matiyak ang kalagayan ng mga itatalagang personnel, ginagarantiyahan na sila'y protektaso ng basic personal protective gears tulad ng masks, gloves, face shields at disinfectants.
 
Ang mga behikulo ng SAF at JTF-NCR ay kanila ding imomobilisa para tugunan ang kanilang  transport. Obligado ang SAF sa pagbibigay ng pagkain para sa kanilang mga personnel habang ang LGUs ang maglalalaan para sa augmented AFP personnel.
 
Photo Courtesy : Xinxuanet
 
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus