DILG maghihigpit sa ECQ violators, karagdagang pulis sa checkpoint
Latest News

DILG maghihigpit sa ECQ violators, karagdagang pulis sa checkpoint

MANILA - Binalaan ng pamahalaan noong Biyernes na aarestuhin ng pulisya ang karamihang lumalabag sa Luzon-wide lockdown na ipinapatupad para pigilan ang pagkalat ng novel coronavirus (COVID-19). 
MANILA - Binalaan ng pamahalaan noong Biyernes na aarestuhin ng pulisya ang karamihang lumalabag sa Luzon-wide lockdown na ipinapatupad para pigilan ang pagkalat ng novel coronavirus (COVID-19). 
 
Sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Archie Francisco Gamboa na may araw na dapat isaisip para sa lahat ng lawbreakers, at handang ipatupad ng mga  law enforcer ang higit na istriktong paghuli kontra violators ng Enhanced Community Quarantine.
 
“Maybe some violators feel they can get away with our enforcement of quarantine rules and local ordinances, but only because we are not under ideal conditions to detain all law offenders, except to complete the mandatory requirements of documentation and booking,” ani Gamboa . “Trust me, their brush with the law today will not go unpunished.”
 
Bagupaman,  tinutugunan ng kapulisan ang mandato na may  compassion at sinabing ipagpapatuloy nila ang pagiging makatuwiran at patas na trato. 
 
“But because so many people are willfully violating government orders to remain indoors, their bold acts of disobedience are making containment efforts against the virus less effective. Worse and more troublesome for the police, it is taking its toll on police personnel manning the quarantine control points who risk exposure to unusually heavy crowding of unauthorized persons,” ani Gamboa.
 
Sa kasalukuyan, may 65 COVID-19 cases sa mga PNP personnel, 40 dito ang nanatiling may karamdaman at  14 ang nasa ilalim ng home quarantine. 
Walo ang gumaling at tatlo ang namatay. 
 
Hinaharang ng PNP Highway Patrol Group at Metro Manila Development Authority ang mga hindi awtorisadong maglakbay, aniya. 
 
Sa pakikipagtulungan ng local government units, inatasan din ang PNP line units na maglunsad ng panghuhuli sa mga iligal na aktibidad na sumasalungat sa paglabag sa physical distancing at pagtitipon, kabilang na ang tupada,  card games, at mahjong at drinking sessions sa pampublikong lugar. Louis Pangilinan
 
 
 
 
 
 
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus