GMAAC talents' "Project Rise Up" sanib- puwersa sa pagtulong sa Pamilyang Pinoy
Latest News

GMAAC talents' "Project Rise Up" sanib- puwersa sa pagtulong sa Pamilyang Pinoy

Nagsanib-puwersa ang GMA Artist Center (GMAAC) talents para magbigay tulong sa pamilyang Pinoy na ang pangkabuhayan ay lubhang naapektuhan ng Covid-19 pandemic sa sa pamamagitan ng “Project RICE Up.”
Nagsanib-puwersa ang GMA Artist Center (GMAAC) talents para magbigay tulong sa pamilyang Pinoy na ang pangkabuhayan ay lubhang naapektuhan ng Covid-19 pandemic sa sa pamamagitan ng “Project RICE Up.”
 
Ang Project RICE Up, isang  fund-raising drive ng GMAAC stars kaagapay ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF), ay layong matulungan ang mga Pinoy na nawala ang kanilang kabuhayan  sanhi ng implementasyon ng  enhanced community quarantine sa Luzon at lockdowns sa iba pang bahagi ng bansa. 
 
Mula April 8, ang GMAAC ay nakakalap ng pondo para sa 225 sako ng bigas na ipamamahagi sa pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng  GMAKF. 
Ilang artists na bumahagi ng kanilang inisyatiba ay sina  Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, actress Klea Pineda, comedians Betong Sumaya, at Chariz Solomon.
 
“During this situation we are in, we are also facing another rising issue and that is hunger. This is why I’m reaching out to all of you, mga Kapuso, to support the RICE Up Project. Marami tayong matutulungan and all our help will really go a long way,” sabi ni Evangelista ba may bahay ni  Sorsogon Governor Chiz Escudero.
 
Samantala, pinasalamatan noong Sabado ng Department of Health (DoH)  ang mga celebrity na tumulong sa  information campaign ng bansa hinggil sa  coronavirus disease 2019 (Covid-19).
 
Pinuri ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire sina Jodi Sta. Maria, Dingdong Dantes, Bela Padilla, JC Santos, Melai Hontiveros, at Bianca Gonzales na nagpartisipa sa  DoH’s three TV infomercials sa basic education ng Covid-19.
 
Binigyan din ng kahalagahan ni Vergeire sina director Pepe Diokno at producers Alu Dorotan-Tiuseco at Ida Tiongson para sa kanilang tulong sa paglulunsad ng infomercials. Louis Pangilinan
 
 
 
 
 
 
 
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus