Cavite target ang COVID-19 testing para sa 450,000 residente
Latest News

Cavite target ang COVID-19 testing para sa 450,000 residente

BACOOR , CAVITE - Puntirya ng Cavite ang makapag-test ng may 450,000 residente 10 percent ng kanilang pupulasyon para sa 
COVID-19 sa susunod na  60 araw, pahayag ni governor Jonvic Remulla, Martes. 
BACOOR , CAVITE - Puntirya ng Cavite ang makapag-test ng may 450,000 residente 10 percent ng kanilang pupulasyon para sa 
COVID-19 sa susunod na  60 araw, pahayag ni governor Jonvic Remulla, Martes. 
 
Noong nakaraang linggo,  nagsimula ang lalawigan ng massive testing para masupoetahan ang pambansang pamahalaan sa kanilang pagpupunyagi laban sa  pandemic.
 
Ang Cavite ay may tatlong  Polymerase Chain Reaction (PCR) machines na nakakapagproseso ng  COVID-19 test kits.
 
“Ngayon, kaya namin [mag-process] ng 1,000 [COVID-19] tests per day. Next week, we want it to be 8,000 a day, then 12,000 a day the following week,” ani Remulla sa panayam ng  DZBB.
 
“In 60 days, we want to test 450,000 of our people here. The standard of World Health Organization is 2%, but we want to make it 10% to make sure,” ani pa Remulla.
 
Nauna riro, sinabi ni Remulla na ang suspected COVID-19 cases na may sintomas ang unang iti-test, sumunod ang mga  health worker at iba pang  frontliners, public utility vehicle drivers, grocery at market workers at yung nagtatrabaho sa industriya ng manufacturing.
 
Gayundin,  ani Remulla na ang mga serbisyo ng Cavite’s COVID-19 testing lab na may limang  PCR machines ay palalawigin sa buong Region 4A o Calabarzon region. Robert Louis Pangilinan
 
Photo credit ; Politiko South Luzon
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus