Parusa sa lumabag sa Curfew : Crossfit
Latest News

Parusa sa lumabag sa Curfew : Crossfit

Binan, Laguna  - Istriktong curfew hour pinatupad sa Binan

Nakapag-aresto na ang Public Order & Safety Office Authorities ng may 5,389 lumabag sa curfew habang ang siyudad ng Binan ay isinailalim sa lockdown para mapigilan  ang COVID-19 pandemic.

Binan, Laguna  - Istriktong curfew hour pinatupad sa Binan

Nakapag-aresto na ang Public Order & Safety Office Authorities ng may 5,389 lumabag sa curfew habang ang siyudad ng Binan ay isinailalim sa lockdown para mapigilan  ang COVID-19 pandemic.

 

Ang mga naarestong lumabag ay nahuli mula Marso 23 hanggang  April 14, sa ipinakitang listahan ng pulisya.Karamihan ay binigyan ng babala, ayon sa POSO Task Force Corona Virus Shield.

Nauna nang naglatag ang task force ng mga panuntunan para sa pag-aresto ng mga lalabag tulad ng hindi sila paparusahan ng pisikal at sila'y kailangan idetine ng anim na oras habang  "binibigyan ng babala at pinagsasabihan na hindi na nila uulitin ang naturang paglabag" habang ang pagsumite ng kaukulang kaso laban sa kanila ay mapaso matapos ang quarantine.

"Pinag Crossfit namin sila sa Plaza,  lahat ng nag violate sa curfew, after ng one hour seminar then papawis na" wika ni POSO Chief Rommel Lim.

 "Dito sa bayan namin ay wala kaming sinasaktan na nag violate, kinakausap lang namin sila para maintindihan ng mga tao ano ang nilabag nila at ano ang puede nilang maitulong sa communidad," aniya pa.

Inatasan din ni Mayor Arman Dimaguila ang task force na asistehan ang distribusyon ng relief goods sa lahat ng barangay at mahihirap na pamilyang apektado ng ' sang -buwang Luzon lockdown.   

Sa Binan Laguna ay may 18 Confirmed cases at ang lalawigan ng Laguna ay may kabuuang  168 confirmed cases, 687 persons under investigation (PUIs) at 8,859 persons under monitoring (PUMs) kung saan 1,277 ang gumaling. Inilagay ni President Rodrigo Duterte ang buong bansa sa ilalim ng state of calamity sa layuning maiwasan ang malawakang pagkalat ng  infectious respiratory illness. 

Ang buong Luzon ay nasa ilalim rin sa lockdown, para pigilan ang movement ng higit  50 million Filipinos. Idineklara ng World Health Organization ang sakit ay isang global pandemic. Ang virus, na unang nag-umpisa sa Hubei, China noong nakalipas na taon ay nahawaan na ang higit sa 870,000 tao sa may 180 mga bansa at teritoryo. Sa bilang, higit  43,000 na ang namatay habang higit 185,000 ang nakarekober.  Louis Pangilinan 

Photo Credit : POSO FB

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus