DOH: COVID-19 cases sa Kyusi, 941 na! 
News

DOH: COVID-19 cases sa Kyusi, 941 na! 

 
TIMOG, QUEZON CITY - Nakapagtala na ang Quezon City nitong Martes ng kabuang bilang na 941 cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon sa Department of Health (DOH).
 
TIMOG, QUEZON CITY - Nakapagtala na ang Quezon City nitong Martes ng kabuang bilang na 941 cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon sa Department of Health (DOH).
 
Ang bilang ng COVID-19 cases na may mga kumpletong addresses sa Quezon City ay ngayo'y 786, dagdag ng pamahalaang lungsod. 
 
Sa nasabing bilang , ang QC Epidemiology and Surveillance Unit ay nakapag-validate pa ng  634 cases sa kasalukuyan. 
 
May 15 bagong  fatalities ang naitala na naghatid sa kabuuang coronavirus-related deaths ng lungsod sa 75, habang 6 ang bagong nakarekober ang naiulat sa kabuuang bilang na 70. 
 
31 barangays sa siyudad ang isinailalim sa extreme enhanced community quarantine.
 
Samantala, ang pamahalaang lungsod ay napaulat din na  ang HOPE 1 quarantine facility na ginawa ay ngayo'y buong kapasidad ng operasyonal na may 34 confirmed cases at 6 probable cases.
 
Ang HOPE 2 facilities ay may 203 beds kada kuwarto. Iyung mga na-test sa  community-based testing ay dinadala sa HOPE 2 para sa self isolation habang naghihintay ng resulta. 
 
Pinagulong na rin ng siyudad ang proyektong Fresh Market on Wheels sa 11 barangays. Ang proyekto ay sinusuportahan ang  local vegetable vendors habang ang pinagkukunan ng Fresh Market Pop-Up para supply ng gulay ay mula sa  partner farmers sa Pangasinan.
 
Ang Fresh Market on Wheels ay bumibiyahe sa barangays Camp Aguinaldo, Kalusugan, Lourdes, Pasong Tamo, Central, Baesa, Culiat, Bahay Toro, Dona Aurora, Bagong Silangan, Matandang Balara, Teachers Village West, Pinyahan at Manresa. Miyerkoles.
 
Kabuuang 14,400 tricycle at taxi drivers ang nakatanggap na ng  financial aid sa ilalim ng Kalingang QC program, ayon sa local government. Layunin ng programa ang matulungan ang mga tricycle at jeepney drivers, market vendors, solo parents at persons with disabilities na ang pangkabuhayan ay naapektuhan nh enhanced community quarantine. 
 
Samanta, 119 individuals sa Barangay Krus na Ligas ang hinuli sa paglabag sa  extreme community quarantine regulations at hindi pagsusuot ng face masks. 
 
Nag isyu rin si Mayor Joy Belmonte ng protocols para igiya ang 14 government- run hospitals na nakatirik sa siyudad para makipag alam sa paghawak ng  deaths related  coronavirus.
 
Hinimok ang mga ospital na sundin ang  12-hour period para sa cremation ng bangkay sa ilalim ng panuntunan ng Department of Health. Louis Pangilinan
 
Photo credit - Philstar.com
 
 
 
 
 
 
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus