Laure,  Valdez, atbp. sa Volleyball Community Gives Back PH 

Laure,  Valdez, atbp. sa Volleyball Community Gives Back PH 

Laure, Valdez, atbp. sa Volleyball Community Gives Back PH

Laure,  Valdez, atbp. sa Volleyball Community Gives Back PH 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
QUEZON CITY - Nakatakdang magpakitang gilas ang mga iniidolo sa larangan ng volleyball sa Biyernes at Sabado.Pero sa halip na magpalitan ng lakas at taktika sa paghataw, ipapamalas ng  mga balibolista ang kanilang off-court talents online sa pinakahihintay na "SERVE AS ONE Variety Show".
 
      Isang fundraising effort para sa volleyball personnel na presentado ng Volleyball Community Gives Back PH, nakatakda ang palabas,  7:30 p.m. sa the ABS-CBN Sports Website, ABS-CBN Sports Facebook Page at ABS-CBN Sports Youtube Channel.
 
       Isa sa pinakamagaling na bagitong open spikers sa bansa, ipapakita ni Eya Laure ang kanyang bibihirang husay sa pagkanta. 
 
       "Ready na ba kayo marinig ang maganda kong boses? HAHAHA," wika ni  Laure sa kanyang Twitter account.
 
      Katambal ni Laure si  Alina Bicar, Laure na makikipagpaligsahan sa tambalan naman nina Gel Cayuna at Ced Domingo sa "complete the lyrics" challenge.
 
       Ang iba pang volleyball stars na ipapamalas ang kanilang talento ay si Kalei Mau, na inaasahang aawit saliw ng kanyang gitara,  habang sina Panpan Pantino, Beauty Denila at Bia General ay nakahanda ring makipag-jamming para sa kawanggawa.
 
      Ang mga dating  rivals na sina Alyssa Valdez at Ara Galang ay makipagkonekta sa bisa ng kanilang "GaDez Reacts" segment kung saan kapuwa nilang sasagutin ang kanilang pinaka-iconic plays noong kanilang UAAP days na naka-highlight  din sa unang araw. Magiging kapabapanabik din sa ikalawang araw. 
 
     Masisilayan din ng fans sina Jema Galanza at Deanna Wong sa “Storytime with GaWong” kung saan hihimayin ng dalawa  at balik tanaw ang kanilang galing at memorable moments.
 
      Muling magtatagpo online din sina beach volleyball standouts Sisi Rondina at Bernadeth Pons at AJ Pareja at Pemie Bagalay kung saan magkakaalaman sa kanilang katropa ang sino ang magaling sa nasabing segment.
 
      Sa two-day event, bisitahin ang Volleyball Community Give Back sa Facebook and @vcgbph sa Instagram at Twitter.
 
     Maaaring ipadala ang mga donasyon kay Ryan Sordan sa BPI bank account 8069 0632 77, GCash sa 0917-5003390 ant PayMaya sa 0917-5003390.      
 
     Magkakaroon din ng virtual after-party sa VCGB PH Facebook page na nakalinya sina DJs Rammy Bitong, Sir Scratch at James sa Biyernes at Jon Tupaz, Ivan Constantino at Boyet Evangelista, Sabado.(LP)
 
 
 
 
CAPTION: 
 
Volleyball Community Gives Back PH's Amanda Villanueva (first from left) and Charo Soriano (second from right) are to help affected volleyball gameday personnel through the SERVE AS ONE Variety Show. VCGBPH PHOTO