2022 World class volleyball war sa Pilipinas

2022 World class volleyball war sa Pilipinas

2022 World class volleyball war sa Pilipinas

2022 World class volleyball war sa Pilipinas

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nakatakda ang dalawang linggong 'alang puknat na aksyon sa pag-host ng bansa para sa ikalawang yugto ng Volleyball Nations League (VNL) sa kalagitnaan ng taong 2022.

Babanderahan ng Men’s Olympic champion France at women’s counterpart na United States ang 15 bansa magbabanggaan sa torneo na gaganapin sa Pasay City at Quezon City ayon sa pagkakasunod para sa dalawang magkahiwalay na petsa.

Opisyal na inihayag ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) President Ramon ‘Tats’ Suzara ang pagiging punong abala ng bansa sa isinagawang online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, Martes.

“We would like to bring more world class action in volleyball dito sa Pilipinas next year as part of the four-year partnership with the FIVB, which is the international governing body for volleyball,” pahayag ni Suzara.

“We will have the top eight teams (men’s side) in the world coming in Manila this June.”

Ang mga laro sa panig ng kababaihan ang kakampay sa dalawang linggong kompetisyon kung saan makakasama ng USA ang China, Japan, Russia, Belgium, Poland at Thailand sa sagupaang nakatakda sa June 13 hanggang 19 sa Mall of Asia Arena.

Sa sumunod na linggo mula June 21 hanggang 26, rarampa naman ang men’s teams para tumbukin ang hatak ng digmaan kasama ang France na haharap sa Tokyo Olympics silver at bronze medalist Russia at Argentina, ayon sa pagkakasunod, Japan, Slovenia, Italy, Germany, at Netherlands sa Smart Araneta Coliseum.