UAAP Women's Basketball :Lady Bulldogs rumesbak sa Lady Archers,  93-61!

UAAP Women's Basketball :Lady Bulldogs rumesbak sa Lady Archers,  93-61!

UAAP Women's Basketball :Lady Bulldogs rumesbak sa Lady Archers,  93-61!

Rumesbak ang National University sa De La Salle University, ang iskul na bumigwas sa 108-game winning streak ng Lady Bulldogs,  nang ilista ang 93-61 win  at kunin ang Game One ng UAAP Season 85 women's basketball best-of-three Finals sa Smart Araneta Coliseum,  Miyerkules.
 
Sasabak ang Lady Bulldogs para sa kanilang ikapitong sunod na kampeonato sa Linggo sa SM Mall of Asia Arena.
 
Nanatiling nakasabay ng Lady Archers sa Lady Bulldogs sa unang pitong minuto ng laro, na nailapit lamang sa isa, 14-15.
 
"It's a short series so our mindset is to get the first one. Their (NU) energy, their focus, the way they moved the ball today was truly awesome," saad ni NU head coach Aris Dimaunahan.
 
Sumandal ang  NU kina Annick Edimo Tiky, Rhocel Bartolo, Mikka Cacho, at Tin Cayabyab upang magpakawala ng ibayong ratsada  sa opening salvo bago ang maalab na ikalawang yugto upang imanibela ang break sa unahan ng 14, 46-32.
 
Ipinagpatuloy ng nagdedepensang kampeon ang kanilang dominasyon sa ikatlo, gumawa ng limang three-pointers na tinapos ng conversion ni Jayda Villareal may anim na segundo ang nalalabi para itatag ang commanding 22-point lead, 69-47.
 
Ang maiinit na mga kamay ng NU mula sa malalim na tulay hanggang sa payoff period nang magkaisa sina Villareal at Cacho habang si Pring Fabruada ay tumilapon ng dalawang puntos para isalta ang 30 puntos na kaungusan may 7:37 minuto sa orasan, 77-47.
 
"Our mentality is to play this game the right way. Talking about our three-pointers today it was a huge factor to have a huge distance against La Salle," pagtukoy ni Dimaunahan, kung saan ang tropa ay tumiba ng  13 tres kumpara sa dalawang kombersyon ng  La Salle.
 
 
Pumitas si Cacho ng 5-of-7 mula sa field para sa 16 puntos,  may apat na rebounds at tatlong assist, habang si Bartolo ay may 12 puntos.
 
Umiskor si Angel Surada ng 10 puntos at pitong rebounds nang umiskor ng hindi bababa sa tatlong puntos ang 13 sa 16 ng Lady Bulldogs.
 
Nanguna si Fina Niantcho Tchuido sa Green Archers na may 18 puntos at 15 rebounds, habang si Ameng Torres ay may 14 puntos at limang rebound kontra sa limang turnovers.
 
Nakuha ng NU ang first round encounter noong Oktubre 19, 93-72, bago nasilat ng La Salle sa pamamagitan ng 61-57 overtime na sa second round noong Nobyembre 23 para pigilan ang makasaysayang sunod-sunod na panalo ng una. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
NU 93 -- Cacho 16, Bartolo 12, Surada 10, Clarin 8, Edimo Tiky 8, Cayabyab 7, Pingol 6, Villareal 6, Betanio 5, Solis 5, Fabruada 4, Canuto 3, Dimaunahan 3, Ico 0. Barroquillo 0, Talas 0.
 
La Salle 61 -- Niantcho Tchuido 18, Torres 14, Binaohan 11, Sario 9, De La Paz 4, Jimenez 2, Ahmed 2, Arciga 1, Dalisay 0, Castillo 0, Camba 0.
 
Quarters: 24-15, 46-32, 69-47, 93-61.