Lady Archers vs Lady Bulldogs sa kampeonato

Lady Archers vs Lady Bulldogs sa kampeonato

Naitakda ng second seed De La Salle University ang petsa ng salpukan laban sa  six-time defending champion National University sa UAAP Season 85 women's basketball Finals matapos ratratin ang  third-ranked University of Santo Tomas sa rubber match, 74-69, Linggo sa  SM Mall of Asia Arena.
 
Ang Game One ng best-of-three Finals sa pagitan ng  Lady Archers at Lady Bulldogs ay gaganapin sa Miyerkules,  alas-onse sa  Smart Araneta Coliseum.
 
Tinusta ng La Salle ang makasaysayang  108-game winning streak ng NU nung November 23 sa bisa ng 61-57 sorpresa sa  overtime.
 
Ito rin ang unang  Finals appearance para sa  Lady Archers buhat nung Season 79  kung saan yumuko sila sa Lady Bulldogs.
 
"I'd like to give credit to UST they played one hell of a series against us but we were the better team this time around. We made the proper adjustments on what they are doing on their previous games," sambit ni La Salle coach Cholo Villanueva, na ang squad ay dumapa sa se  Game One, 57-68, nung November 30.
 
Laglag ng siyete may 2:14 ang nalalabi sa laro, kinulata nina Joylyn Pangilinan at Rocel Dionisio ang Growling Tigresses para itabla ang laro sa 69 may 47 ang nalalabi. 
 
Pero yun na ang huli na masilip ng  UST would na malaglag ang bola sa basket  kung saan mintis nina  Pangilinan, Tacky Tacatac, at Eka Soriano ang  crucial field goals at free throw attempts.
 
Sa kabilang dako, inihatag ni Kreecie Binaohan ang unang ungos ng  La Salle sa dalawang kombersyon mula sa linya may  31.2 tikatik ang nalalabi bago nagmintis sina Pangilinan at Tacatac ang kanilang three-pointer at putback attempts, ayon sa pagkakasunod. 
 
Hinila pa ni Marga Jimenez ang bentahe ng  Lady Archers sa tatlo matapos ma-split ang kanyang  freebies pweo may natitira pang isang posisyon ang Growling Tigresses, 72-69.
 
Tumangka pa si Tacatac ng panibagong tres sa kabilang dulo preo waley ngunit naroon si Soriano para sa offensive rebound na nakahugot ng na nagdala sa kanya sa linya. Gayunman,  plakda pareho, sinadyang  imintis ang huli. 
 
Sumunod na-foul si Lady Archer Lee Sario pero kapwa mintis ngunit nahugot rin niya ang sariling  rebound na nagtakda para kat Torres na tapusin ang lari sa kanyang dalawang dalawang libremg busko may  3.2 segundo na lang. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
La Salle 74 -- Niantcho 18, Binaohan 17, Torres 16, Sario 12, Jimenez 5, Dalisay 3, Arciga 2, De La Paz 1, Camba 0, Ahmed 0, Espinas 0.
 
UST 69 -- Bron 13, Soriano 10, Dionisio 9, Villasin 8, Tacatac 8, Pangilinan 8, Ambos 8, Serrano 3, Santos 2.
 
Quarters: 21-18, 38-34, 57-50, 74-69.