Blue Eagles kinandado ang top spot sa 'F4'

Blue Eagles kinandado ang top spot sa 'F4'

Blue Eagles kinandado ang top spot sa 'F4'

 
Sinigurong maselyuhan ng Ateneo de Manila University ang top spot sa UAAP Season 85 men's basketball Final Four matapos tukain ang Adamson University, 66-61, sa Smart Araneta Coliseum Miyerkules ng gabi.
 
Ang Blue Eagles, sa likod ng anim na sunod na  panalo, ay umangat sa 11-3, tabla sa University of the Philippines pero angat ang una na may superior quotient na plus-3.
 
Ito ang ikalimang sunod na season na papasok ang Ateneo sa Final Four bilang top-ranked team.
 
"It's the Final Four already and we can't get too caught up that we're number one. We all know entering the Final Four it's a whole new ball game," sambit ni Blue Eagles assistant coach Sandy Arespacochaga.
 
Naghabol ng 10 sa kalagitnaan ng fourth frame, humarurot sina AP Manlapaz, Jerom Lastimosa, Joem Sabandal, at Cedrick Manzano para ilagay ang Adamson sa loob ungos  ng isang puntos sa nalalabing 1:43, 61-62.
 
Matapos ang ilang walang puntos na palitan, nakuha ni Ange Kouame ang putback at na-foul ngunit hindi niya nakuha ang bonus para iwanan ito ng one-possession game may 35.3 segundo na lang, 64-61.
 
Nakuha nina Joaquin Jaymalin at Joem Sabandal ang kanilang three-point attempts ngunit pareho silang sumablay nang i-ice ni BJ Andrade ang laro mula sa linya para sa Blue Eagles.
 
Nagrehistro si Kai Ballungay ng 18 puntos at 14 na rebounds para sa Ateneo, habang nagtala sina Andrade at Kouame ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod. Humakot din ang huli ng 12 rebounds at nagpasa ng tatlong shot.
Sa pagbagsak ng Soaring Falcons sa 7-7, makakaharap nila ang De La Salle University sa Linggo sa SM Mall of Asia Arena para sa playoff match para sa huling Final Four spot. Ang oras ng tip-off ay hindi pa napagpasyahan.
 
Ang mananalo ay makakaharap sa twice-to-beat na Ateneo.
(Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
Ateneo 66 -- Ballungay 18, Andrade 13, Kouame 12, Koon 7, Padrigao 6, Ildefonso 3, Gomez 3, Chiu 2, Lazaro 2, Garcia 0, Quitevis 0, Daves 0.
 
Adamson 61 -- Manlapaz 22, Lastimosa 10, Douanga 7, Hanapi 5, Flowers 5, Manzano 4, Yerro 4, Sabandal 2, V. Magbuhos 2, Colonia 0, Jaymalin 0, Barasi 0, Fuentebella 0, Barcelona 0, Torres 0, W. Magbuhos 0.
 
Quarters: 17-16, 33-27, 49-41, 66-61.