Growling Tigresses pumalag versus Lady Archers, 68-57

Growling Tigresses pumalag versus Lady Archers, 68-57

Growling Tigresses pumalag versus Lady Archers, 68-57

 
Binaklas ng  University of Santo Tomas ang twice-to-beat na insentibo ng De La Salle nang sagpangin ang 68-57 wire-to-wire win sa UAAP Season 85 women's basketball Final Four, Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
 
Kinayod ni Eka Soriano ang lahat para sa Growling Tigresses na may 23 puntos, 11 rebounds, limang assist, at dalawang steals.
 
Nagpulasan ang mga senior na sina Jho Arciga at Ameng Torres at itinulak ang Lady Archers sa  walong puntos upang ibalik ang 37-53 deficit sa 47-55 affair na may 5:06 pa sa laban.
 
Gayunpaman, may mga sagot sina Tacky Tacatac, Brigette Santos, at Joylyn Pangilinan ng UST para panatilihing nakalutang ang kanilang koponan at pilitin ang do-or-die.
 
"We pulled through this knockout game. We have to work harder now that La Salle is going back for the last time to be in the Finals," sambit ni Growling Tigresses head coach Haydee Ong.
 
 
Nagdagdag si Tacatac ng 17 puntos at tatlong steals, habang si Pangilinan ay nagtala ng 11 puntos at apat na rebounds sa panalo.
 
Nanguna sa La Salle si Torres na may 16 puntos, siyam na rebounds, at apat na steals, habang si Fina Niantcho Tchuido ay nakakuha ng 10 puntos at 13 rebounds.
 
Ang rubber match ay sa Linggo sa SM Mall of Asia Arena. Makakaharap ng mananalo ang anim na beses na defending champion National University sa best-of-three Finals. (Louis Pangilinan/ UAAP) 
 
 
Iskor:
 
UST 68 - Soriano 23, Tacatac 17, Pangilinan 11, Dionisio 7, Santos 3, Villasin 3, Serrano 3, Bron 1, Ambos 0, Araza 0.
 
La Salle 57 - Torres 16, Niantcho Tchuido 10, Sario 10, Binaohan 7, De La Paz 4, Arciga 4, Jimenez 2, Ahmed 2, Dalisay 2, Espinas 0.
 
Quarters: 14-12, 38-23, 53-37, 68-57.