UAAP swimming -7th straight crown nilangoy  ng Blue Eagles; Lady Green tankers kampeon!

UAAP swimming -7th straight crown nilangoy  ng Blue Eagles; Lady Green tankers kampeon!

UAAP swimming -7th straight crown nilangoy  ng Blue Eagles; Lady Green tankers kampeon!

Nakuha ng Ateneo de Manila University ang ikapitong magkakasunod na titulo sa UAAP men's swimming matapos magtapos ang astig na paglangoy sa huling araw ng Season 85 Championships, Linggo sa Teofilo Yldefonso Swimming Complex sa Malate, Manila.
 
Ang kampeonato na ito ang ikalawang titulo ng Ateneo sa season -- at ang ikawalong titulo nito sa pangkalahatan para sa men’s swimming -- matapos makakolekta ng 411 puntos, 37 markers lamang sa 374 ng De La Salle University.
 
Sa panig ng kababaihan, mula nang makuha ang back-to-back na mga titulo noong Season 65 at 66, ang De La Salle University women’s swimming team na makalipas ang 19-taong tagtuyot  ay naiproklamang kampeon ng UAAP Season 85 Women's Swimming Championships na may 418 puntos.
 
Ito ang ikalimang pangkalahatang titulo ng Lady Green Tankers sa women’s swimming. Ang titulo ay pangalawa rin ng La Salle ngayong season sa collegiate ranks.
 
Tatlong UAAP collegiate division debutants sa pangunguna ni Most Valuable Player Philip Joaquin Santos ang nanguna sa Ateneo sa men's crown.
 
Isinara ni Santos ang kanyang rookie season na may  silver sa men's 1500-meter freestyle sa tiyempong 16:57.72, sa likod lamang ng teammate at Rookie of the Year na si Joshua Del Rio na 16.49.61, at sa 200-meter butterfly na may 2:10.03 -- pangalawa sa Unibersidad ng Santo Tomas si Mervien Mirandilla's 2:09.98.
 
Si Santos, ang Season 82 Boys' MVP, ay nagtala ng 93 puntos sa unahan ng kapwa Atenean na sina Rafael Barreto (86 puntos) at Del Rio (64 puntos).
 
Sinagip ni Barreto ang para sa ROY-MVP race at lalo pang pinalakas ang kampanya ng Blue Eagles para sa kampeonato. Ang rookie ay humakot ng golds sa 50-m backstroke na may 27.49-segundong pagbatak at sa 50-m freestyle na natapos sa 24.06 segundo.
 
"I was very happy and proud. Kasi coming from the pandemic, a lot of uncertainties talaga not just for us, I'm sure for others din," wika ni Ateneo swimming program director Archie Lim.
 
"Pero 'yun nga, I think it's the spirit of positiveness, and then they really perform and really give their all. 'Yun lang hinihingi ko -- the championship is just a bonus for us," aniya pa. 
 
Ang huling araw ng La Salle ay itinampok ng gold-medal finish ni EJ Jayme sa 200-meter breaststroke na may 2:26.87.
 
Isinara ng University of the Philippines ang men's competitions sa bagong UAAP record sa 4x100-m medley relay habang binura ng mga swimmer na sina Gian De Guzman, Pepi Mapa, Anton Dela Rosa, at Keane Ting ang lumang marka na itinakda ng UST quartet nina Kevin Dagum, Jay Sina Cabulit, Reynald Cullentas Jr., at Renz Gawidan sa Season 82. Na-round out ng Fighting Maroons ang podium sa Men's Division na may 284 puntos. (Louis Pangilinan/UAAP)