Tigresses 'nikmati' sa buhanginan

Tigresses 'nikmati' sa buhanginan

Tigresses 'nikmati' sa buhanginan

PINALAWIG pa ng University of Santo Tomas ang kanilang winning streak sa 34 matches  sa UAAP Season 85 beach volleyball tournament  Sabado sa Sands SM By The Bay.
 
Umariba ang five-peat seeking Tigresses para makumpleto ang 7-0 elimination round sweep nang si Gen Eslapor at reigning MVP Babylove Barbon ay pumalag kina Honey Grace Cordero at Kly Orillaneda ng National University, 21-17, 21-15, sa isang duwelo ng mga walang talong koponan.
 
Plakda ang Lady Bulldogs sa kanilang unang kabiguan matapos ang limang sunod na panalo.
 
Nananatiling nakabitin sa balanse ang karera para sa natitirang Final Four slot sa women's division.
 
Nagpamalas naman ng matibay na determinasyon sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines nang talunin sina Gerzel Petallo at Melody Pons ng Far Eastern University, 20-22, 21-18, 16-14.
 
Ngunit sina Justine Jazareno at Jolina Dela Cruz ng De La Salle ang nagpatigil sa pagmartsa nina Euri Eslapor at Bertolano sa Final Four sa pamamagitan ng 22-20, 17-21, 15-13 panalo. Tinabla ng Lady Spikers ang Lady Bulldogs sa ikalawang puwesto sa 5-1.
 
Kalaunan  bumangon sina Petalio at Pons sa pamamagitan ng 21-10, 21-15 na pananakop kina Mary Grace Borromeo at Aliah Marce ng Adamson University.
 
Nananatilu ang Fighting Maroons sa ikaapat na puwesto 3-3, habang ang Lady Tamaraws at Lady Falcons ay may parehong  2-4 kartada.
 
Dinaig nina Borromeo at Marce ng Adamson University sina Pia Ildefonso at Ysa Nisperos ng Ateneo, 20-22, 21-11, 15-8, sa morning session.
 
Sa huling laro,  tuluyang nakapasok sa win column sina Ildefonso at Nisperos, 24-22, 21-18 tinaob sina Ella Mae Capillano at Meriam Mungcal ng University of the East. Bumagsak ang Lady Warriors sa 0-6. (Louis Pangilinan/UAAP)