Paranada,  Remogat bida ng UE vs DLSU, 80-72

Paranada,  Remogat bida ng UE vs DLSU, 80-72

Paranada,  Remogat bida ng UE vs DLSU, 80-72

Bumida sina Kyle Paranada at Rey Remogat sa overtime habang nilatagan ng University of the East ang De La Salle University ng mas masukal na ruta sa UAAP Season 85 men's basketball Final Four sa pamamagitan ng 80-72 panalo, Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
 
Umiskor ang backcourt duo ng 10 sa 12 puntos ng Red Warriors sa extra period. Tanging solong nalampasan ang Green Archers, 10-4.
 
Tinapos ng Red Warriors ang season sa kartang 5-9  kasosyo  sa ika-anim kasama ng  Far Eastern University.
 
"I cannot say a special word for this guy (Remogat) beside me. Being a coach ito naman yung pinakamasarap eh na alam mo na sinusunod yung instruction," saad ni UE coach Jack Santiago.
 
 
Inilagay ni Mark Nonoy ang La Salle sa tuktok sa bisa ng apat na puntos pagkatapos ng back-to-back triples sa fourth may 1:25 ang natitira.
 
Pero ibinaon nina Remogat at Paranada ang back-to-back deuces para ibuhol ang laro sa 68 all may 29.7 segundo na lang.
 
Naglaro ang UE ng foul game para pigilan ang offensive flow ng Green Archers na may limang fouls na natitira.
 
Inilagay ni Evan Nelle ang nag-iisang shot ng La Salle sa huling 30 segundo ng payoff period ngunit sumablay nang husto mula sa ilalim para isulong ang laro sa OT.
 
Nagtapos si Remogat na may 24 puntos (20 sa second half), apat na rebound, at tatlong assist, habang si Paranada ay may 13 puntos.
 
Kumusot ng one-and-done  si Luis Villegas na may  triple-double sa kanyang huling laro para sa kanyang 10 puntos, 12 rebounds, at walong assist.
 
Bukod kay Villegas, pumuwersa din sina CJ Payawal at Nikko Paranada sa kanilang huling laro sa jersey ng UE.
 
Ang La Salle, na naglaro nang wala si Mike Phillips dahil sa sakit na hindi nauugnay sa COVID, ay pinunuan naman  ni Nonoy  na lumatag ng  14 puntos, anim na rebound, apat na assist, at tatlong steals.
 
Kumayod sina Bright Nwankwo at CJ Austria ng tig-10 puntos gayundin sa pagkatalo na nakitang limitado sina Nelle (walong puntos, 2-of-11 mula sa field) at Kevin Quiambao (pitong puntos, 3-of-11).
 
Bumagsak ang Green Archers  sa 6-7 sa ikalima ngunit buhay pa rin para sa post-season contention. Gayunpaman, maaari lamang silang umasa para sa isang playoff game para sa huling puwesto.
 
Dapat nilang maipanalo ang laro nila sa University of Santo Tomas sa Miyerkules  alas-2 ng hapon habang umaasa na ang Adamson University ay matalo sa Ateneo de Manila University sa alas-4 ng hapon. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
UE 80 -- Remogat 24, K. Paranada 13, Stevens 12, Villegas 10, N. Paranada 6, Gilbuena 5, Pagsanjan 4, Sawat 4, Payawal 2, Tulabut 0, Alcantara 0.
 
La Salle 72 -- Nonoy 14, Austria 10, Nwankwo 10, Nelle 8, Cortez 8, Macalalag 8, Quiambao 7, B. Phillips 4, Estacio 3, Abadam 0, Winston 0.
 
Quarters: 16-27, 36-33, 50-51, 68-68, 80-72..