Falcons binigo ang Bulldogs, 64-63

Falcons binigo ang Bulldogs, 64-63

Ibinaon ni Jerom Lastimosa ang game-winning triple para palakasin ng Adamson University ang kanilang tiyansa sa Final Four matapos ang gabuhok na talunin ang National University, 64-63, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum,  Sabado.
 
Ungos ng isang puntos ang Bulldogs ng  sa loob ng isang minuto, sumablay si Lastimosa sa back-to-back na three-pointers na nagtulak sa Soaring Falcons na ipasok si Steve Nash Enriquez sa linya  may 18.6 tikatik ang natitira.
 
Ngunit na-split niya ang kanyang  free throw na nagbukas ng pagkakataon para matubos ni Lastimosa ang kanyang sarili at naitubog ang tres sa nalalabing 5.5 segundo.
 
Tinangka  ni Enriquez, na nagtala ng 2-of-4 mula sa charity stripe sa huling minuto, na ibigay sa NU ang panalo ngunit hindi niya nakuha ang kanyang attempt mula sa kabila.
 
"I know si Jerom is struggling today, that was obvious because NU made adjustments. But yeah he made the most important shot of the game and before it happened, Lenda [Dounga] was able to carry us through," sabi ni Soaring Falcons coach Nash Racela.
 
 
Nanguna si Douanga para sa Adamson na may 16 puntos, kabilang ang dalawang tres, anim na rebounds, habang si Didat Hanapi ay may siyam na puntos.
 
Nagtapos si Lastimosa na may pitong puntos at limang rebounds.
 
"We're still alive and alam ko na yung dalawang tira ko hindi siya pumasok pero I never gave up sa last shot. I think deserve ko naman yun kasi pinapractice ko talaga 'yun," bulalas ng 5-foot-10 combo guard.
 
 
Naiangat ng Soaring Falcons ang kanilang karta sa 7-6 pata sa solo fourth pero may laro pa ang De La Salle University 6-6  mamaya laban sa University of the East. Makakaharap pa rin ng Adamson ang Blue Eagles sa Miyerkules, 4 pm, sa Big Dome sa kanilang huling assignment sa elims.
 
Sa kabilang banda, bumagsak ang Bulldogs sa 9-5 sa ikatlo. Umaasa na sila ngayon para sa Ateneo de Manila University (9-3) na ilaglag ang huling dalawang laro  sa playoff para sa huling twice-to-beat edge.
 
 (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
Adamson 64 -- Douanga 16, Hanapi 9, Manlapaz 8, Lastimosa 7, Yerro 4, Sabandal 4, Fuentebella 3, Jaymalin 3, Colonia 2, Barcelona 2, Manzano 2, Barasi 2, V. Magbuhos 2, Flowers 0, Torres 0.
 
NU 63 -- Enriquez 18, Figueroa 13, John 10, Malonzo 7, Clemente 5, Tibayan 4, Yu 2, Palacielo 2, Manansala 1, Galinato 1, Minerva 0, Mahinay 0, Tulabut 0.
 
Quarters: 18-14, 33-36, 53-48, 64-63.