Bulldogs nasapol ng Green Archers, 63-58!

Bulldogs nasapol ng Green Archers, 63-58!

 
Hinapit ng De La Salle University ang kanilang winning streak sa tatlo matapos talunin ang Final Four-bound National University, 63-58, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena,  Miyerkules.
 
Pinalakas ng Green Archers ang kanilang post-season bid at naitara sa  6-6 sa solo fourth ang baraha, habang bumagsak ang Bulldogs sa 9-4, kung saan napisak ang kanilang four-game winning streak.
 
"It was a pretty hard-earned victory for us. We know NU's the number two team so we just gonna keep pounding, keep digging out there," sambit ni  La Salle coach Derrick Pumaren.  
 
 
Si Penny Estacio mismo ang nag-iisang humalibas ng lahat ng kanyang 13 puntos sa ikatlong frame sa La Salle para sapawan ang buong NU squad na siyam lang ang nagawa at pumasok sa huling kanto na may 11 bentahe,  48-37 puntos..
 
Tapos  si Evan Nelle naman ang nagdala ng palaso sa payoff period na may walo sa kanyang 10 puntos upang panatilihing nakalutang ang La Salle tungo sa tagumpay.
 
"We needed this win kasi we're aiming to be in the Final Four. During the third quarter, hindi ko naman pinipilit 'yung game, we just have to trust each other and nagkataon lang talaga na ako 'yung nakakashoot," bulalas ni Estacio.
 
 
Kinapos  lang ng double-double si Mike Phillips na may siyam na puntos, 11 rebounds, tatlong assist, tatlong steals, at isang block.
 
Umiskor si Jake Figueroa ng 19 puntos, anim na rebounds, at apat na steals para sa Bulldogs, kung saan maagang gumarahe ang freshman na si Kean Baclaan  matapos tawagan ng kanyang ikalawang technical foul dahil sa pekeng foul sa 8:43 mark ng ikatlong frame.
 
Si John Lloyd Clemente ay may 15 points at 11 rebounds sa kanilang pagkatalo.
 (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
La Salle 63 -- Estacio 13, Nelle 10, M. Phillips 9, Nonoy 7, Cortez 7, Quiambao 6, Abadam 4, Austria 2, B. Phillips 2, Nwankwo 2, Macalalag 1, Winston 0.
 
NU 58 -- Figueroa 19, Clemente 15, Manansala 5, John 4, Enriquez 4, Baclaan 4, Palacielo 2, Mahinay 2, Padrones 2, Minerva 1, Malonzo 0, Yu 0, Galinato 0, Tibayan 0, Tulabut 0.
 
Quarters: 14-14, 32-28, 48-37, 63-58.