Lady Eagles tuluyang nilublob ang Lady Tamaraws, 64-50

Lady Eagles tuluyang nilublob ang Lady Tamaraws, 64-50

Lady Eagles tuluyang nilublob ang Lady Tamaraws, 64-50

Nagsilbing istratehiya ng Ateneo  de Manila University ang mabagal na simula  para tuluyang dispatsahin sa kontensiyon ang Far Eastern University, 67-50, sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Sabado sa UST Quadricentennial Pavilion.
 
Sa panalo, nagawang gupitin ng Blue Eagles ang kanilang tatlong sunod na kabiguan para iangat ang kanilang rekord sa 6-6 at mapanatili ang kanilang saloobin para sa Final Four ticket.
 
Sa kabilang banda, bumagsak ang Lady Tamaraws sa 2-10 sa likod ng apat na sunod na talo. Wala na ang FEU sa Final Four race.
 
“We’re really, really (happy) that we got the win. Because of the FIBA break, parang the games were so matagal tapos yung talo namin (sunod-sunod) Parang hindi kami makapanalo. Almost three weeks, it took a toll on a young team but we knew we were gonna come out and play well today,” sambit ni Ateneo coach LA Mumar.
 
Senelyuhan ng Blue Eagles ang kanilang awtoridad sa laro nang maisaksak ni Sarah Makanjuola ng isa pang tirada na naghayag sa kanila ng 51-41 cushion may 53 segundo ang nalalabi sa ikatlong kanto.
 
Pagdating sa fourth quarter, na-eject si Lady Tamaraws head coach Bert Flores sa 6:09 mark ng final period.
 
Una nang nabigyan ng technical foul si Flores matapos itong magkaroon ng pangalawang warning dahil sa pagrereklamo nito tungkol sa hindi pagtawag, ngunit nagkaroon siya ng panibagong technical foul para sa kanyang patuloy na pagsinghsl sa mga referee.
 
Kontrolado na  ng Ateneo ang laro at natamasa ng Katipunan school ang pinakamalaking kalamangan nito sa 65-47 may 1:25 na lang kasabay ng dalawang free throws ni Jhazmin Joson.  (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
Ateneo (67) - Makanjuola 22, Calago 15, Joson 13, Miranda 7, Eufemiano 6, Dela Rosa 4, Cruza 0, Nieves 0, Villacruz 0.
 
FEU (50) - Aquino 10, Jumuad 9, Taguiam 8, Pacia 8, Go 7, Delos Santos 4, Manguiat 2, Paras 2, Obien 0, Samonte 0, Lopez 0.
 
Quarters: 12-19, 33-27, 51-41, 67-50.