Blue Eagles kinalawit ang Tamaraws, 71-65

Blue Eagles kinalawit ang Tamaraws, 71-65

Blue Eagles kinalawit ang Tamaraws, 71-65

 
Kumalawit ng impresibong pagbabalik ang Ateneo de Manila University para i-demoralisa ang Far Eastern University 71-65 para makaagapay sa nangungunang dalawang koponan sa UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Linggo sa SM Mall of Asia Arena.
 
Sa panalo, pinalawig ng Ateneo ang kanilang winning streak  sa tatlong laro at naikamada sa 8-3 karta. Siniguro  din ng Katipunan school ang playoff para sa Final Four.
 
“That win was just heart and some decent execution in the fourth quarter,” sabi ni Blue Eagles mentor Tab Baldwin. “Up until then, we were pretty bad really in most aspects of the game.”
 
 
Sumadsad ng hanggang 20-39 sa 2:39 mark ng second quarter salamat sa isang tres ni Xyrus Torres, inilatag ng Blue Eagles ang isang naglalagablab na arangkada na ginisa ng isang tres ni Paul  Garcia  para igiit ang 56-55 sa 8: 34 marka sa huling kanto.
 
Nagawa ng Tamaraws na itabla ang ballgame mula sa basket ni L-Jay Gonzales sa 65-65 may 1:22 ang nalalabi sa aksyon. Pagkatapos  nag-convert si Angelo Kouame ng dalawang free throws para bigyan ang Ateneo ng liderato sa 67-65 may 1:03 pa.
 
Nabigo ang FEU na mag-convert sa tatlong sunod na possession, na nagbigay-daan kina Forthsky Padrigao at Dave Ildefonso na maitubog ang apat na hindi inalmahang libreng buslo para selyuhan ang panalo.
 
Nanguna si Kouame sa Ateneo na may 20 puntos, 14 rebounds, tatlong assist, at isang block. Sumunod si Padrigao na may 13 puntos, anim na assist, at limang rebound. Si Ildefonso ay may walong puntos, siyam na rebound, at dalawang assist din. (Louis Pangilinan / UAAP) 
 
 
Iskor:
 
Ateneo (71) - Kouame 20, Padrigao 13, Andrade 9, Ildefonso 8, Garcia 8, Ballungay 5, Koon 4, Lazaro 2, Daves 2, Chiu 0, Quitevis 0.
 
FEU (65) - Torres 19, Gonzales 15, Sleat 10, Tchuente 8, Anonuevo 8, Bagunu 3, Bautista 2, Alforque 0, Sajonia 0, Sandagon 0, Tempra 0.
 
Quarters: 14-21, 27-41, 49-54, 71-65.