Bulldogs nirapido ang Red Warriors ,70-61

Bulldogs nirapido ang Red Warriors ,70-61

Nasawata ng  National University ang huling atake ng University of the East, 70-61, para mahugot ang kahit man lang playoff para sa UAAP Season 85 men's basketball Final Four spot sa Smart Araneta Coliseum,  Huwebes.
 
Pumasok ang Red Warriors sa loob ng dalawa lang ang bentahe matapos ang triple ni Luis Villegas sa 3:14 mark ng payoff period ngunit umalma ang Bulldogs ng pitong sunod na puntos na tinapos ng three-pointer ni Steve Nash Enriquez sa 1:31 na lang.
 
Naging instrumento si PJ Palacielo sa resbak ng NU nang umiskor siya ng walo sa kanyang 10 puntos sa huling 4:06 ng laban. Naka-shoot siya ng perpektong 5-of-5 mula sa field sa loob lamang ng 8:14 sa floor.
 
"Hindi na muna namin iniisip 'yung Final Four. Iniisip namin how we can sustain kung nasaan kaming posisyon," wika ni Bulldogs coach Jeff Napa.
 
"Coming to whatever next round na mangyayari, kailangan namin talagang mag level up kasi hindi naman pwede na matatapos lang dito sa eliminations."
 
Umiskor din si John Lloyd Clemente ng 10 puntos, habang sina Jake Figueroa at John Galinato ay may tig-siyam na puntos. Si Omar John ay humalibas ng walong puntos, 11 rebounds, at dalawang block.
 
Itinaas ng NU ang kanilang rekord sa 8-3, naisalto ang ikatlong sunod na panalo, upang manatili sa pangalawa,  8-3. Samantala, lumubog ang UE sa 4-7 sa ikapito. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
NU 70 - Palacielo 10, Clemente 10, Figueroa 9, Galinato 9, John 8, Malonzo 7, Enriquez 6, Manansala 5, Baclaan 2, Yu 2, Mahinay 2, Minerva 0, Padrones 0.
 
UE 61 - Stevens 14, Villegas 13, Payawal 12, Pagsanjan 7, N. Paranada 6, K. Paranada 5, Sawat 4, Tulabut 0, Remogat 0, Antiporda 0, Gilbuena 0.
 
Quarters: 16-13, 35-24, 48-39, 70-61.