Fighting Maroons walang-awang tinumba ang Tamaraws, 73-59

Fighting Maroons walang-awang tinumba ang Tamaraws, 73-59

Fighting Maroons walang-awang tinumba ang Tamaraws, 73-59

Ginawang puhunan ng University of The Philippines ang maalab na simula para mangibabaw kontra  Far Eastern University 73-59 sa UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Huwebes, sa Smart Araneta Coliseum.
 
Naisampa ng Fighting Maroons amg kanilang baraha sa 10-1 at mapalawig ang kanilang  winning streak sa pitong laro. 
 
“We just need to work on being consistent. That’s one part nung game namin na dapat namin bigyan ng pansin. We can’t play in spurts. We need to be consistent offensively and defensively,” sambit ni UP head coach Goldwin Monteverde.
 
Rumatsada kaagad sa bisa ng sunod-sunod na pagkamada ng mga puntos ng defending champions sa unang bahagi ng laro nang tumubog ng tres si court general JD Cagulangan para bigyan ang UP ng 16-1 cushion sa 4:55 mark ng first quarter.
 
Napansin ng State U na umabot sa 71-50 ang pangunguna nito sa tres ni James Spencer may 1:52 natitira sa kontes. 
 
“After a long break, at least we started well tong game na to. We started strong. Especially sa defense namin nung first part, we really started strong din," ani pa 
Monteverde.
 
Maagang kinapa ni Spencer ang tono, umiskor ng 15 sa kanyang career-high na 19 puntos sa unang kalahati. Nagpaputok ng apat na tres ang Fil-Australian senior.
 
Si Fighting Maroons big man Malick Diouf ay may 11 points, 20 rebounds, at tatlong assists habang si Carl Tamayo ay nag-ambag ng 10 points, pitong rebounds, at dalawang assists. Si Gerry Abadiano ay may siyam na puntos, anim na rebound, at dalawang assist din para sa UP.
 
Standings:
UP 10-1*
NU 8-3**
Ateneo 6-3 - P
Adamson 4-6
La Salle 4-6
UE 4-7  
FEU 4-7
UST 1-8 - P
 
* Final Four
** Playoff
P playing as of press time
 
 
Malaki ang naihatid ng mga starter.ng UP para sa Fighting Maroons nang maghatid sila ng 55 puntos laban sa 21 ng FEU.
 
Ang State U ay tumirada din ng mas mahusay mula sa three-point line na may 9-of-30 kumpara sa 5-of-31 ng Tamaraws.
 
Bumagsak ang Tamaraws sa 4-7 sa likod ng dalawang magkasunod na pagkatalo. Bumagsak sila sa isang tie sa ikaanim-ikapito sa University of the East.  (Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
UP (73) - Spencer 19, Diouf 11, Tamayo 10, Abadiano 9, Lucero 8, Cagulangan 6, Alarcon 6, Galinato 3, Ramos 1, Calimag 0, Torculas 0, Eusebio 0, Lina 0, Gonzales 0, Andrews 0.
 
FEU (59) - Bautista 12, Anonuevo 10, Gonzales 9, Tchuente 9, Sleat 7, Torres 7, Alforque 3, Sajonia 2, Tempra 0, Sandagon 0, Ona 0, Bagunu 0.
 
Quarters: 22-18, 43-32, 58-42, 73-59.