Lady Bulldogs nilampaso ang Lady Warriors, 93-31

Lady Bulldogs nilampaso ang Lady Warriors, 93-31

Sinakay ng nagdedepensang UAAP Women's Basketball Champion  National University ang kanilang ika-107 sunod na panalo, na ginantsilyo din ang University of the East, 92-31, Linggo sa Quadricentennial Pavilion ng UST.
 
Itinama ng Lady Bulldogs ang tono sa unang quarter nang limitahan nila ang Lady Warriors sa 2-of-17 shooting at dinikdik nila ang anim na turnovers sa period.
 
Pinalala pa ng NU ang UE noong second quarter. Ang  Recto-based cagers ay nilimitahan lang sa isang field goal sa 18 attempts, na ginawa ni Justine Silva.
 
Naungusan ng Lady Bulldogs standout na si Camille Clarin ang buong Lady Warriors na solo niyang kinomando ang unang dalawang quarter, na umiskor ng siyam sa kanyang 14 na puntos sa unang 20 minutong aksyon.
 
Bentahe ang NU ng 65 puntos sa UE nang maraming beses sa kontes.
 
“I think we really had a great week before this game,” saad ni NU coach Aris Dimaunahan. “Ang ganda ng practice namin. It was a highly competitive practice before this game.
 
“The challenge was how well we could translate those practices into the actual game today. I’m glad they did. They dominated the game today," patuloy pa niya na kada  Lady Bulldog na kanyang ipinasok ay umiskor sa laban. 
 
Nanguna si Tin Cayabyab sa NU na may 17 puntos na sinundan ng 14 ni Clarin. Si Mikka Cacho ay may 11 puntos kasama ang pitong rebounds para sa Lady Bulldogs.
 
Ang resulta ay nagbigay-daan sa NU na palakasin pa ang hawak sa tuktok ng standing na may 11-0 record.
(Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
NU (92) - Cayabyab 17, Clarin 14, Cacho 11, Pingol 7, Tiky 6, Betanio 5, Villareal 5, Canuto 4, Solis 4, Fabruada 4, Ico 3, Bartolo 3, Dimaunahan 3, Surada 3, Barroquillo 3.
 
UE (31) - Terrinal 9, Kone 9, Paule 4, Lorena 3, Silva 2, Caraig 2, Gervacio 2, Sajol 0, Dela Rosa 0, Tinio 0.
 
Quarters: 18-4, 51-6, 68-14, 92-31.