Lady Archers sampa sa Final Four

Lady Archers sampa sa Final Four

Lady Archers sampa sa Final Four

 
Nahablot ng De La Salle University ang tiket sa Final Four UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament matapos angkinin ang  54-48 win versus Adamson University, Linggo sa  UST Quadricentennial Pavilion.
 
Isinampa ng Lady Archers ang kanilang bagong baraha sa  9-2 para umusad sa susunod na yugto sa unang pagkakataon buhat noong  Season 79.
Bukod dito, nasungkit nila ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa tatlong larong pag-angat sa elims.
 
“Reaching the Final Four is just one of our goals in this tournament. But, again, we’re not yet done. We have three more games. We want to build good momentum going to the next phase of the tournament,” sabi ni La Salle head coach Cholo Villanueva.
 
 
Umabante ng hanggang 41-30 mula sa basket ni Fina Niantcho Tchuido may 28 segundo ang natitira sa ikatlong quarter, nasilip ng Lady Archers na nawaldas  ang kanilang kalamangan nang ipukol ni Victoria Adeshina ang dalawang charity para putulin ang iskor sa 43-42 may 5:56 minuto pa sa laro.
 
Gayunpaman, nagawang selyuhan ng La Salle ang panalo sa huli sa pamamagitan ng pag-halibas ng 11-6 run na pinasiklab ng mga free throw ni Charmaine Torres, gayundin ang paglatag ng ilang magagandang defensive stops.
 
Kabilang dito si Rose Dampios na gumawa ng isang krusyal na turnover may 34.1 segundo ang natitira, hindi nakuha ni Adeshina ang kanyang pagtatangka, at kailangang i-foul si Niantco Tchuido sa isang segundo na natitira upang lumamig ang giyera.
 
“Again, we’re not gonna be dominating teams,” sambit ni Villanueva. “We need to outwork and outsmart our opponents and that’s gonna be the formula.”
 
Nanguna si Torres sa La Salle na may 14 puntos kasama ang pitong rebounds at limang steals. Nag-ambag si Niantcho Tchuido ng 10 puntos at 13 rebounds para sa Lady Archers.
 (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
La Salle (54) - Torres 14, Niantcho Tchuido 10, Sario 7, Ahmed 6, Jimenez 5, Espinas 4, Binaohan 4, Dalisay 2, De La Paz 2, Castillo 0, Villava-Cua 0.
 
Adamson (48) - Adeshina 20, Padilla 11, Alaba 6, Flor 5, Agojo 4, Catulong 2, Dampios 0, Ornopia 0, De La Cruz 0, Meniano 0, Etang.
 
Quarters: 12-11, 25-19, 41-33, 54-48.