Growling Tigresses selyado na rin ang 'F4'

Growling Tigresses selyado na rin ang 'F4'

Growling Tigresses selyado na rin ang 'F4'

 
Pinigilan ng University of Santo Tomas na makaresbak ang Ateneo de Manila University para rakrakin ang 63-53 panalo diretso sa pagselyo  ng Final Four ticket sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Linggo sa Quadricentennial Pavilion sa Manila.
 
Napalawig ng Growling Tigresses ang kanilang winning streak sa tatlo, para maiangat ang baraha nila sa 9-2, kaparehong karta ng La Salle . Sanib ang dalawa sa National University sa Final Four.
 
Lagapak ng hanggang 37-23 mula sa tres ni Ivy Tacatac sa 5:12 mark ng second quarter, tinabas ng Blue Eagles ang deficit sa 53-50 lamang salamat sa 16-6 run na tinapos ng saksak ni Sandra Villacruz sa 4:39  sa laro.
 
Gayunpaman, nagbigay ng 60-50 cushion ang mga basket nina Rocel Dionisio, Tacatac, at Rachel Ambos may 2:25 pa para pigilan ang Blue Eagles.
 
“I think given yung Ateneo’s coming back nung two last minutes nung fourth quarter and we’re not getting the right calls from the officials, yung mga bata were resilient,” sabi ni UST coach Haydee Ong.
 
Pinangunahan ni Eka Soriano ang Growling Tigresses na may 16 puntos, pitong assist, apat na rebound, at dalawang steals habang nag-ambag si Joylyn Pangilinan ng 11 puntos.
 
Si Tacatac ay may 10 puntos, anim na steals, at limang rebounds habang sina Chile Serrano at Rachel Ambos ay may 11 at 10 rebound para sa UST.
 
Ang depensa ng UST ang nakatulong sa kanila na makasungkit ng 14 steals kumpara sa lima ng Ateneo. Naka-shoot din ang Growling Tigresses ng 9-of-37 mula sa three-point line laban sa 3-of-17 ng Blue Eagles.
 
“They never gave up kahit dun sa mga possession na hindi maganda ang tawag. I guess hats off ako sa mga bata because yung mental toughness namin nung game nandun kahit yung mga post (players) ko were in foul trouble early in the game, lahat-lahat tumulong talaga for this game,” dagdag ni Ong.
 
Bumagsak ang Ateneo sa 5-6 sa likod ng tatlong sunod na pagkatalo. Tabla na sila ngayon ng University of the Philippines sa ikaapat at ikalima sa standing. (Louis Pangilinan /UAAP) 
 
Iskor:
 
UST (63) - Soriano 16, Pangilinan 11, Tacatac 10, Dionisio 8, Ambos 7, Santos 5, Serrano 2, Bron 2, Villasin 2, Villapando 0, Araza 0.
 
Ateneo (53) - Calago 10, Villacruz 9, Dela Rosa 8, Joson 7, Miranda 7, Makanjuola 5, Nieves 4, Eufemiano 3, Cruza 0.
 
Quarters: 24-17, 42-30, 51-39, 63-53.