Growling Tigresses niyapos ang F4 slot kontra Lady Falcons,  73-66

Growling Tigresses niyapos ang F4 slot kontra Lady Falcons,  73-66

Hinugot  ng University of Santo Tomas ang playoff para sa Final Four slot sa UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament matapos balyahin ang determinadong  Adamson University, 73-66, Linggo sa  UST Quadricentennial Pavilion.
 
Naitala ng Growling Tigresses ang kanilang ikawalong panalo sa  season puwera ang dalawang talo upang umusad sa dalisdis ng top-four slot habang dumapa ang  Lady Falcons sa 3-7 panalo talo. 
 
Ngunit kailangan ng UST na idiskaril ang Adamson para kunin ito.
 
Bagama't  warat sa 54-37 sa kortesiya  ng tres ni Joylyn Pangilinan sa 4:01 mark ng third period, bumangon ang Adamson sa fourth quarter.
 
Nagawa ng Lady Falcons na putulin ang ungos sa 63-68 lamang mula sa basket ni Cris Padilla sa nalalabing 2:05 sa giyera.
 
 
Bagama't may iba pang plano sina Pangilinan at Eka Soriano, ang maibalik ang kaayusan gamit ang ibayong basket para iunat ang kalamangan sa 73-63 sa 1:28 mark ng fourth quarter para selyuhan ang panalo.
 
“Of course, a win is a win but I told the girls after the one-week break, uphill games talaga - Ateneo and NU,” sambit ni Growling Tigresses coach Haydee Ong.
 
“We have to work on our turnovers. We had 34 today. We’ll keep working hard for the next few games," sabi pa ng former national team head coach. 
 
Pinangunahan ni Pangilinan ang UST na may 17 puntos sa likod ng five-out-of-11 shooting mula sa three-point line na sinundan ng 13 puntos, walong rebound, anim na assist, at anim na steals ni Soriano.
 
Si Agatha Bron ay may 11 puntos at anim na rebound para sa Growling Tigresses.
 (Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
UST (73) - Pangilinan 17, Soriano 13, Bron 11, Tacatac 9, Dionisio 8, Villasin 5, Santos 4, Villapando 4, Serrano 2, Araza 0, Ambos 0.
 
Adamson (66) - Adeshina 18, Dampios 16, Flor 13, Padilla 6, Alaba 5, Agojo 4, Catulong 2, Omopia 2, Meniano 0, Etang 0.
 
Quarters: 12-18, 39-29, 58-47, 73-66.